Saturday, August 9, 2008

V

KALENDARYO NG
MGA AKTIBIDADES

PAMPANITIKANG PALIGSAHAN
SA ANGONO ARTS FESTIVAL

BUNGA NG GRANT NA KALOOB NG NATIONAL COMMISSION FOR CULTURE AND THE ARTS
633 General Luna Street, Intramuros Manila, 1002


Grantee: ANGONO NATIONAL HIGH SCHOOL
Principal: Ms. Cynthia M. Cruz
Tagapamanihala: Dr. Marites A. Ibañez


Mga Paaralang Mamamahala sa mga Patimpalak:
a. Angono Private High School (Balagtasan),
b. Regional Pilot School For The Arts (Pagtula at
Pagkukuwento)
c. Angono National High School (Pagsulat ng Tula,
Kuwento at Sanaysay)


Coordinator: Likas na Galing at Yaman ng Angono,
Inc.


PALIWANAG TUNGKOL SA PAMPANITIKANG PALIGSAHAN SA ANGONO ARTS FESTIVAL
Ito ay bahagi ng malawakan at matagalang proyekto ng Angono na may layuning iangat ang bayan bilang world class arts town. Magandang panimula ang timpalak para palaganapin sa hanay ng mga kabataan ang papel na magagawa ng kultura at sining tungo sa pagpapaunlad ng isang bayan. May sapat na katangian ang Angono sa mga larangang ito upang maging higit na bantog na pook para sa mga turista at tagatangkilik sa sining.
Mahalaga ang panitikan tungo sa pagkilala sa sarili bilang tao at bilang bahagi ng isang mas malawak na lipunan. Upang matugunan ang ganitong layunin, itatampok ang lokal na sining at kultura sa proyektong ito. Isang papaloob na pagmumuni ang kailangang daanan ng mga kabataang taga-Angono upang makalikha ng mga akda na nagpapahayag ng kanilang konsepto ng bayan. Ang mismong patimpalak naman ang magsisilbing midyum ng kanilang papalabas na pagpapahayag na ito. Sa pamamagitan ng pagtatanghal at paglilimbag, maipapalaganap sa mas nakararami ang bisyon at misyon para sa isang higit na magaling at mayamang Angono sa larangan ng sining at kultura, lalo na sa panitikan, nakalimbag man o binibigkas.

MGA KALAHOK NA PAARALAN SA TIMPALAK NA ITO

Angono National High School, Angono Private High School, Blanco Family Academy, Carlos “Botong” Francisco Memorial High School, Gingergrace Academe, Holy Deliverance Christian Integrated School, New Hope In Faith School , Raises Academy at Regional Pilot School For The Arts.

1. Abril 2, 2008 - Paglalatag ng proposal sa harap ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan at ito’y kanilang pinagtibay. Ito’y tungkol sa vision, mission and goals ng Sining at Kultura ng Angono, Rizal tungo sa pagiging World Class Arts Capital nito. Iminumungkahi ang pagbubuhol ng sining at kultura sa pangkabuhayang pag-aangat sa bayan.

2. Mayo 27, 2008 - Inaprubahan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang halagang P114, 000.00 para sa Pampanitikang Paligsahan sa Angono Arts Festival sa lebel ng mataas na paaralan ng Angono. Pararaanin ng NCCA ang pera sa Division Office ng Rizal. Ang timpalak ay pamamahalaan ng Angono National High School sa ilalim ng pamamatnugot ng prinsipal nito na si Ms. Cynthia Miranda-Cruz at ng tagapamanihala ng mga paaralan, sangay ng Rizal, na si Dr. Marites A. Ibañez.

3. Hunyo 2, 2008 - Pagbabasa ng unang ulat sa harap ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan tungkol sa mga ginawang unang hakbangin sa pagsasakatuparan ng proposal na Angono World Class Arts Capital. Isa na rito ang tungkol sa pagdaraos ng Pampanitikang Paligsahan sa Angono Arts Festival ng mga mataas na paaralan sa tulong ng grant na nakuha ng Angono National High School mula sa NCCA.

4. Hulyo 10, 2008 –Pamamahagi ng Angono Private High School (APHS) ng piyesa ng balagtasan sa mga paaralang kalahok sa timpalak na ito. Ang balagtasan ay sa ilalim ng pamamatnugot ng prinsipal ng APHS na si Ms. Norma Sanchez-Medina. Ang naturang balagtasan ay isinulat ni Ms. Divina A. Navarro, guro sa APHS.

5. Hulyo 15, 2008 – Pagdaraos ng workshop para sa mga kalahok na estudyante sa patimpalak ng pagsulat ng sanaysay, tula at kuwento kasama ang kanilang mga adviser. Ito’y gaganapin sa Angono National High School (ANHS), mula ikasiyam ng umaga hanggang ikalabingdalawa ng tanghali.

6. Hulyo 22, 2008 – Pamamahagi ng Regional Pilot School For The Arts (RPSA) ng mga piyesa ng tula at kuwento na inihanda ni G. Randy Mariano para sa mga paaralang kalahok sa timpalak. Ito’y sa ilalim ng pamamatnugot ng prinsipal ng RPSA na si Ms. Amihan R. Fenis.

7. Hulyo 29, 2008 – Pagdaraos ng timpalak para sa pagsulat ng tula, kuwento at sanaysay. Ito’y gaganapin sa Angono National High School (ANHS), mula ikawalo ng umaga hanggang ikalabingdalawa ng tanghali. Ito’y sa ilalim ng pamamatnugot ng prinsipal ng ANHS na si Ms. Cynthia M. Cruz.

8. Agosto 22, 2008 – Pagdaraos ng timpalak para sa balagtasan. Ito’y gaganapin sa Angono Private High School (APHS) at magsisimula sa ganap na ikawalo ng umaga.

9. Agosto 26, 2008 – Pagdaraos ng timpalak sa pagtula at pagkukuwento. Ito’y gaganapin sa Regional Pilot School For The Arts (RPSA) at magsisimula sa ganap na ika-isa ng hapon.

10. Agosto 28, 2008 – Pagdaraos ng pangwakas na programa para sa lahat ng timpalak na gaganapin sa Angono National High School sa ganap na alas-ocho ng umaga. Pagbibigay ng sertipiko ng pagkilala sa lahat ng mga paaralan na lumahok sa timpalak. Ang isponsor ng timpalak na ito ay ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

11. Oktubre 2008 - Marso 2009 – Paglilimbag sa mga school organ ng mga paaralan ng mga nagwaging artikulo sa timpalak pampanitikan.

12. Hunyo 2009 – Inaasahang sa petsang ito ay nabuo na ang book material na bunga ng mga aktibidades ng Likas na Galing at Yaman ng Angono, Inc. Dito binabalak ilimbag ang mga nagwagi sa pagsusulat ng tula, kuwento at sanaysay.


LIKAS NA GALING AT YAMAN NG ANGONO, INC.

Prof. Ligaya Tiamson Rubin – Chairman
UP Dean Virgilio S. Almario (National Artist)- Vice Chairman
Prof. Lilibeth R. Oblena - Secretary
Artist Orville DR Tiamson - Treasurer
UP Dean Rosario Torres-Yu – PRO
Prof. Joey Baquiran, Jr - PRO
Ms. Au Carandang - Assistant Treasurer
Ms. Tracy Pascual- Assistant Secretary


S.E.C. Company Registration No. CN200808752
Registration date: June 27, 2008




ON TOP OF EVERYTHING IS GOD’S GRACE.
IV

KALENDARYO
PARA SA PROPOSAL NA
ANGONO: WORLD CLASS ARTS CAPITAL
Agosto 6, 2008


LIGAYA G. TIAMSON RUBIN
Chairman - Likas Na Galing At Yaman Ng Angono, Inc.



1. Abril 2, 2008 - Paglalatag ng proposal sa harap ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan at ito’y kanilang pinagtibay. Ito’y tungkol sa vision, mission and goals ng Sining at Kultura ng Angono, Rizal tungo sa pagiging World Class Arts Capital nito. Iminumungkahi ang pagbubuhol ng sining at kultura sa pangkabuhayang pag-aangat sa bayan.

2. Mayo 27, 2008 - Inaprubahan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang halagang P114, 000.00 para sa Pampanitikang Paligsahan sa Angono Arts Festival sa lebel ng mataas na paaralan ng Angono. Pararaanin ng NCCA ang pera sa Division Office ng Rizal. Ang timpalak ay pamamahalaan ng Angono National High School sa ilalim ng pamamatnugot ng prinsipal nito na si Ms. Cynthia M. Cruz at ng tagapamanihala ng mga paaralan, sangay ng Rizal, Dr. Marites A. Ibañez.

3. Hunyo 2, 2008 - Pagbabasa ng unang ulat sa harap ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan. Ito’y tungkol sa mga ginawang unang hakbangin sa pagsasakatuparan ng proposal na Angono World Class Arts Capital. Isa na rito ang tungkol sa pagdaraos ng Pampanitikang Paligsahan sa Angono Arts Festival ng mga mataas na paaralan sa tulong ng grant na nakuha ng Angono National High School mula sa NCCA.

4. Hunyo 28-30, 2008 - Pagdaraos sa Angono ng workshop sa malikhaing pagsulat sa pamamahala ni Dr. Jimmuel Naval ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa UP Diliman. Ito’y dinaluhan ng labinlimang fellows buhat sa UP, Ateneo, UST at La Salle sa ilalim ng pamamatnugot ng mga propesor at staff ng DFPP CAL ng Unibersidad ng Pilipinas. Ang mga panauhing pandangal ay sina Prof. Jun Cruz Reyes, Dr. Efren R. Abueg. Dr. Bienvenido L. Lumbera (National Artist For Literature) at UP CAL Dean Virgilio S. Almario (National Artist For Literature).

5. Hulyo, 2008- Marso, 2009 – Lecture series sa Mahabang Parang tungkol sa kasaysayan, sining at kultura ng Angono. Ang mga tagapagsalita ay sina Propesor Ligaya G. Tiamson-Rubin at Kapitan Benedicto Tiamson. Ang isponsor ay ang Sangguniang Barangay ng Mahabang Parang sa masiglang pamumuno ni Kapitan Rogelio D. Hadap.

6. Hulyo 7, 2008 – Pakikipag-usap sa Sangguniang Barangay ng Mahabang Parang tungkol sa pagsasakatuparan ng pinaplanong mga gawain tulad ng pagkakaroon ng mag-anak na higante, apatnapung (40) parehadora, banda ng mosiko, endramada, arko at parol na tatak Angono sa kapaskuhan. Sa kasaysayan ng bayan, ngayon lamang magkakaroon ang Mahabang Parang ng ganap na kultural na integrasyon sa Angono sa masipag na pamumuno ni Kapitan Rogelio D. Hadap.

7. Hulyo 10, 2008 –Pamamahagi ng Angono Private High School (APHS) ng piyesa ng balagtasan sa mga paaralang kalahok sa Pampanitikang Paligsahan sa Angono Arts Festival. Ang balagtasan ay sa ilalim ng pamamatnugot ng prinsipal ng APHS na si Ms. Norma Sanchez-Medina. Ang naturang balagtasan ay isinulat ni Ms. Divina A. Navarro, guro sa APHS.

8. Hulyo 11, 2008 – Pag-apruba ng Board of Commissioners ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ng grant para sa proyektong diksyunaryong pangkultura at pansining ng Angono, Rizal.

9. Hulyo 15, 2008 – Pagdaraos ng workshop para sa mga kalahok na estudyante sa patimpalak ng pagsulat ng sanaysay, tula at kuwento kasama ang kanilang mga adviser. Ito’y paghahanda para sa Pampanitikang Paligsahan sa Angono Arts Festival na gaganapin sa Angono National High School (ANHS), mula ikasiyam ng umaga hanggang ikalabingdalawa ng tanghali.

10. Hulyo 22, 2008 – Pamamahagi ng Regional Pilot School For The Arts (RPSA) ng mga piyesa ng tula at kuwento na inihanda ni G. Randy Mariano para sa mga paaralang kalahok sa timpalak. Ito’y sa ilalim ng pamamatnugot ng prinsipal ng RPSA na si Ms. Amihan R. Fenis.

11. Hulyo 29, 2008 – Pagdaraos ng timpalak para sa pagsulat ng tula, kuwento at sanaysay. Ito’y gaganapin sa Angono National High School (ANHS), mula ikawalo ng umaga hanggang ikalabingdalawa ng tanghali. Ito’y sa ilalim ng pamamatnugot ng prinsipal ng ANHS na si Ms. Cynthia Miranda-Cruz.

12. Agosto 22, 2008 – Pagdaraos ng timpalak para sa balagtasan. Ito’y gaganapin sa Angono Private High School (APHS) at magsisimula sa ganap na ikawalo ng umaga.

13. Agosto 2008 – Enero 2009 – Pagdaraos ng workshop sa malikhaing pagsulat sa mga estudyante ng mataas na paaralan ng Angono. May mga inimbitahang propesor at manunulat na tagapagsalita mula sa UP.

14. Agosto 26, 2008 – Pagdaraos ng timpalak sa pagtula at pagkukuwento. Ito’y gaganapin sa Regional Pilot School For The Arts (RPSA) at magsisimula sa ganap na ika-isa ng hapon.

15. Agosto 28, 2008 – Pagdaraos ng pangwakas na programa para sa lahat ng timpalak na gaganapin sa Angono National High School sa ganap na alas-ocho ng umaga. Pagbibigay ng sertipiko ng pagkilala sa lahat ng mga paaralan na lumahok sa timpalak. Ang isponsor ng timpalak na ito ay ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

16. Setyembre, 2008 - Pasinaya sa pagkakaroon ng Mahabang Parang ng mag-anak na higante, apatnapung (40) parehadora at banda ng mosiko para sa piyesta.

17.Setyembre 26, 2008 – Pagdaraos ng seminar/workshop para sa animnapung (60) guro sa Filipino mula sa mga pampublikong hayskul sa dibisyon ng Rizal tungkol sa pagtuturo ng malikhaing pagsulat, wika at panitikan. Ito’y gaganapin sa Angono National High School sa ilalim ng pamamahala ng prinsipal nito na si Gng. Cynthia M. Cruz at ng tagapamanihala ng dibisyon ng Rizal na si Dr. Marites A. Ibañez. Ang tagapagsalita ay si Prof. L. Tiamson Rubin. Ito’y nasimulan na noong Setyembre 28, 2007 at pinaplanong gawin taun-taon.

18. Oktubre 2008 - Marso 2009 – Paglilimbag sa mga school organ ng mga paaralan ng mga nagwaging artikulo sa timpalak pampanitikan.

19. Nobyembre 14, 2008 – Pakikipagnobena ng mga parehadora ng Mahabang Parang kay San Clemente. Sila’y mga namamanata at handang magsayaw sa patio ng simbahan pagkatapos ng nobena.

20. Disyembre 16, 2008 – Paghahandog ng parol na tatak-Angono sa simbahan ng Mahabang Parang.

21. Marso, 2009 – Planong pagtatanghal ng komedya sa Gingergrace Academe sa ilalim ng pamamahala ni Gng. Illuminada Tolentino-Miranda, ina ng komedya sa Angono, Rizal.

22. Abril 2009 – Pamamahagi ng Likas na Galing at Yaman ng Angono, Inc. ng ”Gawad ng Pagkilala” sa ilang institusyon at mamamayan ng Angono na naging malaking bahagi sa pag-aangat ng sining at kultura ng bayan.

23. Hunyo 2009 – Inaasahang sa petsang ito ay nabuo na ang book material na bunga ng mga aktibidades ng Likas na Galing at Yaman ng Angono, Inc. Dito binabalak ilimbag ang mga nagwagi sa pagsusulat ng tula, kuwento at sanaysay.


PALIWANAG TUNGKOL SA PAMPANITIKANG PALIGSAHAN SA ANGONO ARTS FESTIVAL
Ito ay bahagi ng malawakan at matagalang proyekto ng Angono na may layuning iangat ang bayan bilang world class arts town. Magandang panimula ang timpalak para palaganapin sa hanay ng mga kabataan ang papel na magagawa ng kultura at sining tungo sa pagpapaunlad ng isang bayan. May sapat na katangian ang Angono sa mga larangang ito upang maging higit na bantog na pook para sa turista at mahiligin sa sining.
Mahalaga ang panitikan tungo sa pagkilala sa sarili bilang tao at bilang bahagi ng isang mas malawak na lipunan. Upang matugunan ang ganitong layunin, itatampok ang lokal na sining at kultura sa proyektong ito. Isang papaloob na pagmumuni ang kailangang daanan ng mga kabataang taga-Angono upang makalikha ng mga akda na nagpapahayag ng kanilang konsepto ng bayan. Ang mismong patimpalak naman ang magsisilbing midyum ng kanilang papalabas na pagpapahayag na ito. Sa pamamagitan ng pagtatanghal at paglilimbag, maipapalaganap sa mas nakararami ang bisyon at misyon para sa isang higit na magaling at mayamang Angono sa larangan ng sining at kultura, lalo na sa panitikan, nakalimbag man o binibigkas.


MGA PAARALANG KALAHOK SA TIMPALAK
Angono National High School, Angono Private High School, Blanco Family Academy, Carlos “Botong” Francisco Memorial High School, Gingergrace Academe, Holy Deliverance Christian Integrated School, New Hope In Faith School , Raises Academy at Regional Pilot School For The Arts.


LIKAS NA GALING AT YAMAN NG ANGONO, INC.
Prof. Ligaya Tiamson Rubin – Chairman
UP Dean Virgilio S. Almario (National Artist)- Vice Chairman
Prof. Lilibeth R. Oblena - Secretary
Artist Orville DR Tiamson - Treasurer
UP Dean Rosario Torres-Yu – PRO
Prof. Joey Baquiran, Jr - PRO
Ms. Au Carandang - Assistant Treasurer
Ms. Tracy Pascual- Assistant Secretary
S.E.C. Company Registration No. CN200808752
Registration date: June 27, 2008


ON TOP OF EVERYTHING IS GOD’S GRACE.
III

UNANG ULAT
TUNGKOL SA MAHABANG PARANG
(BUNGA NG PROPOSAL NA INIHARAP SA SANGGUNIANG BAYAN NG ANGONO NOONG IKA-2 NG HUNYO, 2008)


LIGAYA G. TIAMSON RUBIN
AGOSTO 6, 2008


May mga pagsisikap ang Sangguniang Barangay ng Mahabang Parang sa masiglang pangunguna ni Kapitan Rogelio D. Hadap na magkaroon ng ganap na cultural integration o kultural na pakikisanib ang Mahabang Parang sa Angono.

A. Ginagawa na ang mag-anak na higante na pwede nilang ilagay sa kanilang barangay hall at isama sa kanilang pakikipagdiwang sa piyesta ni San Clemente.

B. Naghahanda na ang pangkat ng mga parehadora na binubuo ng apatnapung (40) kababaihan ng Mahabang Parang. Ang mga parehadora ay ang pangkat ng mga kababaihan sa bawat barangay ng Angono na sumasama sa prusisyon ni San Clemente. Sila’y nakasuot ng makukulay na damit, may sagwan sa balikat na may pintang tulad sa watawat ng Pilipinas, nakabakya sila at pumapadyak habang nagmamartsa.

C. Binubuo na ang BANDA ng mosiko ng Mahabang Parang na siyang tutugtog sa mga kultural na okasyon ng lugar.
Sa araw ng piyesta (Nobyembre 23), nagpaplano ang Sangguniang Barangay ng Mahabang Parang na ilahok ang mga parehadora, mag-anak na higante at banda ng mosiko ng Mahabang Parang sa prusisyon ng bayan. Iminumungkahi rin ang paglalagay ng endramada at arko sa Mahabang Parang sa panahon ng kapistahan.
Sa kasaysayan ng Angono, ngayon lang magaganap ang ganitong kultural na pakikisanib ng mga mamamayan ng Mahabang Parang sa kultura ng bayan.

D. Maglagay sa prominenteng lugar sa Mahabang Parang ng mga simbolo ng kultura ng Angono tulad ng bangka, pagoda, endramada, arko at higante.

E. Mahalaga na magkaroon ng imahen ni San Clemente sa altar ng simbahan ng Mahabang Parang katabi ng kanilang patron na si San Jose. Maganda rin kung sa Mahal na Araw ay malagay sa karo ang imahen ni San Jose at masama ito sa prusisyon ng kabayanan ng Angono.

F. Mahalaga rin na magkaroon ng sariling estrelyang tatak-Angono ang simbahan ng Mahabang Parang sa panahon ng kapaskuhan.

G. Iminumungkahi rin ang pagdaraos ng mga on-the-spot
painting contests at literary musical contests sa mga barangay at mga paaralan.

H. Sa pangunguna ng Sangguniang Barangay ng Mahabang Parang, magandang magkaroon ng paglilinaw sa tamang hangganan o boundery ng petroglyphs na kasalukuyang nasasakop ng Binangonan. Ang target ng proyektong ito ay maibalik ang lupaing ito sa kabuuan ng Angono na ibabatay sa titulo ng Hacienda de Angono na may title no. 987. Ito ay nararapat gawin sa pakikipagtulungan at pakikipag-ugnayan sa tanggapan ng punong bayan Mayor Aurora A. Villamayor.

I. Magkakaroon ng lecture series sa Mahabang Parang tungkol sa kasaysayan, kultura at sining ng Angono, Rizal. Ito’y pangungunahan nina Prop. Ligaya Tiamson Rubin at Kapitan Benedicto G. Tiamson bilang mga speakers. Magkakaroon ng mga reactors mula sa kabayanan upang magpahayag ng reaction sa bawat panayam. Magkakaroon din ng open forum. Ito’y idaraos minsan isang buwan mula Hulyo 2008 hanggang Marso 2009.
Ito’y upang magkaroon ng ganap na pagkaunawa ang mga taga-Mahabang Parang sa sining at kultura ng bayan. Isang paraan ito tungo sa pagkakaroon ng cultural integration o kultural nilang pakikisanib sa Angono. Gaganapin ito sa pamamatnubay ng Sangguniang Barangay ng Mahabang Parang sa pamumuno ni Kapitan Rogelio D. Hadap.


DAGDAG NA ULAT:

A. Ang pagkakaroon ng mag-anak na higante ay sa
suporta ng Alyansa ng mga Manggagawang Pangkultura sa Kamaynilaan at Karatig Pook, Incorporated na ang pangulo ay ang propesora sa UP na si Dr. Glecy Atienza.

B. Ang pagkakaroon ng mga parehadora ay sa suporta ng
A.C.T.I.O.N. (Activating Communities Towards Intercultural Orchestration Network) (multi-media) Taguig na si Marian Manalo ang pangulo, sa pakikipag-ugnayan kay Direktor Frank Rivera ng NCCA Kalahi.

C. Ang pagkakaroon ng banda ng mosiko ng Mahabang
Parang ay sa suporta ni G. Alfredo M. Villaluz, pangulo ng Foundation for Culture and Arts, Inc.


Sangguniang Barangay ng Mahabang Parang

Rogelio D. Hadap – Punong Barangay
Rufinito Lagdameo – Barangay Treasurer
Justiniano Barisoro – Secretary

Standing Committee Chairmanship (Effective December 2007)

Finance, Appropriations, Ways and Means
Chairman : Hon. Marie Claire H. Magtoto
Vice-Chairman : Hon. Romel I. Castillo
Members : Hon. Ed Oliver L. Maalindog
: Hon. Norman S. Santos


Public Order and Security, Rules
Chairman : Hon. Melencio S. Villangca
Vice-Chairman : Hon. Juanito E. Ayinde
Members : Hon. Wilfredo A. dela Cerna
: Hon. Norman S. Santos

Public Works, INFRA, Communication and Transportation
Chairman : Hon. Romel I. Castillo
Vice-Chairman : Hon. Melencio S. Villangca
Members : Hon. Norman S. Santos
: Hon. Ed Oliver L. Maalindog

Trade and Industry, Market and COOP, Labor and Employment
Chairman : Hon. Ed Oliver L. Maalindog

Vice-Chairman : Hon. Marie Claire H. Magtoto
Members : Hon. Romel I. Castillo
: Hon. Juanito E. Ayinde

Health and Sanitation, Social Services
Chairman : Hon. Norman S. Santos
Vice-Chairman : Hon. Marie Claire H. Magtoto
Members : Hon. Wilfredo A. dela Cerna
: Hon. Ed Oliver L. Maalindog

Education, Culture and Sports, Community and Family Relations
Chairman : Hon. Wilfredo A. dela Cerna
Vice-Chairman : Hon. Ed Oliver L. Maalindog
Members : Hon. Melencio S. Villangca
: Hon. Norman S. Santos

Agriculture, Natural Resources, Environmental Protection
Chairman : Hon. Juanito E. Ayinde
Vice-Chairman : Hon. Norman S. Santos
Members : Hon. Melencio S. Villangca
: Hon. Romel I. Castillo

Youths and Sports Development and Special Activities
Chairman : Hon. Dan Christian C. Villcruel
Vice-Chairman : Hon. Wilfredo A. dela Cerna
Members : SK Kagawads




Sangguniang Kabataan ng Mahabang Parang


Dan Christian C. Villcruel – SK Chairman

Jessel B. Bermido – SK Kagawad
Stephanie R. Dionio – SK Kagawad
Mary Jean N. Palad – SK Kagawad
Jonnel A. Caliwag – SK Kagawad
Val O. Loreto – SK Kagawad
John Denneth M. Espiritu – SK Kagawad
Danica Ana N. Alviar – SK Kagawad

LIKAS NA GALING AT YAMAN NG ANGONO, INC.

Prof. Ligaya Tiamson Rubin – Chairman
UP Dean Virgilio S. Almario (National Artist)- Vice Chairman
Prof. Lilibeth R. Oblena - Secretary
Artist Orville DR Tiamson - Treasurer
UP Dean Rosario Torres-Yu – PRO
Prof. Joey Baquiran, Jr - PRO
Ms. Au Carandang - Assistant Treasurer
Ms. Tracy Pascual- Assistant Secretary

S.E.C. Company Registration No. CN200808752
Registration date: June 27, 2008

LTRUBIN
Tel. No:6510044 (Angono)
Fax No:9244899
Blogsite: ligayatiamsonrubin.blogspot.com
Email:lgtrubin@yahoo.com
Mobile Phone No: 09178123231

LILIBETH R. OBLENA
E-mail: lilibethroblena@gmail.com / loblena@mc.edu.ph
Mobile Phone No: 09186230940


TO GOD BE THE GLORY, GREAT THINGS HE HAS DONE
II

UNANG ULAT SA PROPOSAL
ANGONO WORLD CLASS ARTS CAPITAL
(Ang Proposal ay Pinagtibay ng
Sangguniang Bayan noong ika-2 ng Abril, 2008)

LIGAYA G. TIAMSON RUBIN

(Ang ulat na ito ay binasa sa pulong ng Sangguniang Bayan noong ika-2 ng Hunyo, 2008, ika-9 ng umaga sa Session Hall ng SB Office, Pangilinan Building, Angono, Rizal)


I. Mga Paaralan at Grupo na Mangunguna sa Pagsasakatuparan ng mga Proyektong Pangkultura na Inilatag sa Proposal

1. Ang literary contest sa lebel ng mataas na paaralan ay pinangungunahan ng Angono National High School sa ilalim ng pamamatnugot ng prinsipal nito na si Ms. Cynthia Miranda-Cruz. Noong ika-27 ng Mayo ay inaprubahan ng National Commission For The Culture And Arts (NCCA) ang halagang P114, 000.00 para sa proyektong ito. Pararaanin ng NCCA ang pera sa Division Office.

2. Magdaraos ang Angono Private High School sa pamamatnugot ng prinsipal nito na si Ms. Norma Sanchez-Medina ng timpalak sa balagtasan na ang lalahok ay mga estudyanteng mula sa mga high school ng Angono. Ipabibigkas sa mga kalahok ang isang orihinal na piyesa na tungkol sa sining at kultura ng Angono.

3. May mga pagsisikap ang Sangguniang Barangay ng Mahabang Parang sa pangunguna ni Kapitan Rogelio D. Hadap na magkaroon ng ganap na cultural integration o kultural na pakikisanib ang Mahabang Parang sa Angono.
A. Ginagawa na ang mag-anak na higante na pwede nilang ilagay sa kanilang barangay hall at isama sa kanilang pakikipagdiwang sa piyesta ni San Clemente.

B. Naghahanda na ang pangkat ng mga parehadora na binubuo ng apatnapung (40) kababaihan ng Mahabang Parang. Ang mga parehadora ay ang pangkat ng mga kababaihan sa bawat barangay ng Angono na sumasama sa prusisyon ni San Clemente. Sila’y nakasuot ng makukulay na damit, may sagwan sa balikat na may pintang tulad sa watawat ng Pilipinas, nakabakya sila at pumapadyak habang nagmamartsa.

C. Binubuo na ang BANDA ng mosiko ng Mahabang Parang na siyang tutugtog sa mga kultural na okasyon ng lugar.
Sa araw ng piyesta (Nobyembre 23), nagpaplano ang Sangguniang Barangay ng Mahabang Parang na ilahok ang mga parehadora, mag-anak na higante at banda ng mosiko ng Mahabang Parang sa prusisyon ng bayan. Sa kasaysayan ng Angono, ngayon lang magaganap ang ganitong kultural na pakikisanib ng mga mamamayan ng Mahabang Parang sa kultura ng bayan.

D. Iminumungkahi rin ang paglalagay ng endramada at arko sa Mahabang Parang sa panahon ng kapistahan.

E. Maglagay sa prominenteng lugar sa Mahabang Parang ng mga simbolo ng kultura ng Angono tulad ng bangka, pagoda, endramada, arko at higante.

F. Mahalaga rin na magkaroon ng sariling estrelyang tatak-Angono ang simbahan ng Mahabang Parang sa panahon ng kapaskuhan.

G. Iminumungkahi rin ang pagdaraos ng mga on-the-spot
painting contests at literary musical contests sa mga barangay at mga paaralan.

H. Iminumungkahi rin ang pagbibigay ng mga lecture at
seminar ng mga awtoridad tungkol sa kasaysayan, sining at kultura ng Angono, Rizal. Ito’y upang magkaroon ng ganap na pagkaunawa ang mga taga-Mahabang Parang sa sining at kultura ng bayan. Isang paraan ito tungo sa pagkakaroon ng cultural integration o kultural nilang pakikisanib sa Angono. Maaari itong ganapin sa pamamatnubay ng Sangguniang Barangay ng Mahabang Parang at ng Carlos ”Botong” Francisco Memorial High School.

DAGDAG NA ULAT:

I. Ang pagkakaroon ng mag-anak na higante ay sa
suporta ng Alyansa ng mga Manggagawang Pangkultura sa Kamaynilaan at Karatig Pook, Incorporated na ang pangulo ay ang propesora sa UP na si Dr. Glecy Atienza.

J. Ang pagkakaroon ng mga parehadora ay sa suporta ng
A.C.T.I.O.N. (Activating Communities Towards Intercultural Orchestration Network) (multi-media) Taguig na si Marian Manalo ang pangulo, sa pakikipag-ugnayan kay Direktor Frank Rivera ng NCCA Kalahi.

K. Ang pagkakaroon ng banda ng mosiko ng Mahabang
Parang ay sa suporta ni G. Alfredo M. Villaluz, pangulo ng Foundation for Culture and Arts, Inc.

4. May nakalatag na mungkahi sa Tricycle Operators and
Drivers Association (TODA) na ipagpatuloy nila ang kanilang paligsahan sa dama, kasabay ng paligsahan sa pagkanta.

5. Noong ika-28 ng Setyembre, 2007 ay nagkaroon ng seminar/workshop para sa lahat ng mga guro sa Filipino sa Angono, Rizal sa lebel ng high school tungkol sa iba’t ibang paraan ng pagtuturo ng malikhaing pagsulat. Ito’y idinaos sa Angono National High School. Ang ikalawang seminar/workshop ay gaganapin sa Setyembre 26, 2008 sa Angono National High School sa ilalim ng pamamahala ng prinsipal nito na si Gng. Cynthia M. Cruz at ng tagapamanihala ng dibisyon ng Rizal na si Dr. Marites A. Ibañez. Ang tagapagsalita ay si Prof. L. Tiamson Rubin at pinaplanong gawin taun-taon.

6. Ang preparasyon para sa pagtatanghal ng komedya o moro-moro ay sinisimulan na ng Gingergrace Academe para sa school year 2008-2009 sa ilalim ng pamamahala ng direktora nito na si Ms. Iluminada Tolentino-Miranda, ina ng komedya ng Angono. Ito’y kasalukuyang inihahanap ng grant bilang suporta. Matatandaan na si Ms. Miranda ang namahala sa komedya na itinanghal sa Folk Arts Theater noong dekada 70 sa comedia festival na inisponsoran ni unang ginang Imelda Romualdez Marcos.

7. Pagtutulungan ng Regional Pilot School for the Arts na ang prinsipal ay si Ms. Amihan Reyes-Fenis at ng Angono National High School na ang prinsipal ay si Ms. Cynthia M. Cruz ang pagtatanghal ng isang sarswela. Ito’y pinamatagang “Dalagang Bukid” na ang gumanap sa orihinal nito ay ang National Artist na si Atang dela Rama. Ito’y kasalukuyang inihihingi ng grant sa NCCA.

8. Pagdaraos sa Angono ng workshop sa malikhaing pagsulat noong Hunyo 28-30, 2008 sa pamamahala ni Dr. Jimmuel Naval ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa UP Diliman. Ito’y dinaluhan ng labinlimang fellows buhat sa UP, Ateneo, UST at La Salle sa ilalim ng pamamatnugot ng mga propesor at staff ng DFPP CAL ng Unibersidad ng Pilipinas. Ang mga panauhing pandangal ay sina Prof. Jun Cruz Reyes, Dr. Efren R. Abueg. Dr. Bienvenido L. Lumbera (National Artist For Literature) at UP CAL Dean Virgilio S. Almario (National Artist For Literature). Binabalak na ang taunang workshop ay sa Angono gaganapin.

9. May mungkahi para sa pagdaraos ng literary musical contests sa lahat ng mga paaralang publiko at pribado sa lebel ng elementarya sa Angono. Ito’y sa pangunguna ng Angono Elementary School Central na ang prinsipal ay si Mr. Julito Bautista.

10. May plano ang Sangguniang Kabataan ng Angono sa
pangunguna ni Jeri Mae Calderon at ni Ms. Tracy Pascual bilang adviser na magdaos ng creative writing workshop na ang mga fellows ay mula sa iba’t ibang barangay. Ito’y sa pakikipag-ugnayan sa ilang propesor sa Departamento ng Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas. Ang Sangguniang Kabataan ay binubuo nina Jeri Mae Calderon, Alexis N. Crisostomo, Therese Reysan Tan, Janssen Reyes, Billy Jay Teodocio, Dan Christian Villcruel, Jefferson de Guzman, Aldrin Sausa, Mary Rose Llacona, Janine Grace Gutierrez.

11. May nakalatag na mungkahi para sa Sangguniang
Barangay sa pangunguna ni Kapitan Joey Calderon na magdaos ng mga literary musical contests sa bawat barangay tulad ng amateur singing contest, videoke singing contest at dance contest.

12. May nakalatag na mungkahi na lalo pa nating ipunin
at itanghal ang matatandang gamit ng ating
mga ninuno tulad ng mga ginamit sa mga sinaunang
pamumuhay, pamumukot, pangingisda at pagsasaka noong araw.
Halimbawa nito ay ang bangka, sagwan, salakab, salakot,
sombrero, antigong salamin, baul, aparador, gilingang bato,
lusong, sinaunang relo, kampana, lampara, gasera, banga,
tapayan, dulang, araro, paminggalan, banggerahan, pinggan,
mangkok, pitsel, sinaunang makinang panahi, damit, tumba-
tumba, sala set, plantsa at kabayo, atbp.

13. Maglagay sa mga prominenteng lugar ng bayan ng mga
simbolo ng kultura ng Angono tulad ng bangka, pagoda,
endramada, arko at higante.

14. Mayroon nang information technology staff na
aasikaso na paghahanap sa mga taga-Angono na nasa iba’t ibang panig ng mundo sa pamamagitan ng mga e-mail, websites at linkages. Isasangkot sila sa mga pinasisiglang gawaing pangkultura ng bayan. Kailangan sila lalo na sa paghahanap ng pondo sa pagpapatayo ng Cultural Center of Angono. Ang proyektong ito’y pinangungunahan ng Foundation For Culture and Arts of Angono Incorporated. Bahagi rin ng paghahanap ng staff na ito ang mga foundation sa iba’t ibang panig ng mundo na posibleng sumuporta sa proyektong ito.

15. May nakalatag na mungkahi sa pagbuo ng
conceptual framework para sa ikalalago ng mga katutubong industriya sa Angono. Katulad ng nabanggit sa proposal, mahalagang ibuhol ang sining at kultura sa aspektong pangkabuhayan ng mga mamamayan nito upang tayo ay maging SENTRO NG TURISMO.
Halimbawa, nang matapos na idaos ang Panagbenga o Flower Festival sa Baguio, ubos ang kanilang mga tambo, strawberry jam, peanut brittle at iba pang mga souvenir items dahil binili ng mga turista. Sa Pahiyas Festival ng Lucban, Quezon, ubos ang kanilang longganisang Lucban, pansit habhab, broas, kiping at puto seko dahil binili ng mga turista. Pinagkakakitaan ng Cainta ang kanilang mga kakanin, ng Marikina ang kanilang mga sapatos at ng Paete ang kanilang mga ukit. Ano naman ang pagkakakitaan ng mga mamamayan ng Angono mula sa mga turistang ito?
Sa katotohanan, may mga dumarating nang mga turista sa ating bayan upang bisitahin ang ating mga galleries at museums. Sa Unibersidad ng Pilipinas, isang requirement sa mga kumukuha ng Humanities II na bumisita sa artistikong bayan ng Angono. Hindi pagmamalabis, ngunit minsan ang mga turistang ito ay umaabot mula anim hanggang sampung bus. Ang nakalulungkot, dumarating sila at umaalis na walang nabibiling kahit anong souvenir items mula sa Angono.

Mga Mungkahi Tungkol sa mga Maliliit at Malalaking Artistikong Paninda para sa Pag-unlad at Pagsulong ng Pangkabuhayang Aspekto ng Angono

a. Mga reproduksyon ng mga peynting ng mga pintor ng Angono gamit ang modernong teknolohiya
b. Greeting cards para sa iba’t ibang okasyon na ang nakalarawan ay mga peynting ng mga artists ng bayan
c. Mga katutubong produkto tulad ng pangkamot ng likod, basket, bilao, sandok, sangkalan at mga kasangkapang yari sa kawayan tulad ng kama, papag, upuan, cabinet at mga sisidlan
d. Mga produkto na miniature o pinaliit tulad ng imahen ni San Clemente at San Isidro, higante, sagwan, banka, puso sa Galilea, key chain na Angono
e. Bolpen, lapis at iba pang souvenir items na may tatak ng Angono
f. Souvenir magazine o libro na tungkol sa Angono
g. Mga nightie, punda, bedsheet na ismakin at bulyon na dati na nating cottage industry na for export sa abroad
h. T-shirt na may tatak Angono at t-shirt na yari sa Angono
i. Mga trinkets, kwintas, hikaw, bracelet na yari sa katutubong materyales na ginagawa ng mga kababaihan
j. Tsinelas na yaring Angono tulad ng kotsong may manic at alpombra
k. Maskara, parol ng Angono, salakot, sumbrero, bag, sinturon, painting brush
l. Mga pagkaing nakabotelya tulad ng balaw-balaw, atchara at buro na sa kasalukuyan ay mabibili sa Balaw-balaw
m. Kakanin tulad ng puto, mahablanca, puto bumbong, bibingka, biko, puto kwale
n. Fried itik, pritong lamang-loob at kaldereta
o. Mga street food na tulad ng itinitinda sa Wawa
p. Iba pang itinitinda sa tiangge na taga-Angono lang ang pupwesto
q. Malaki ang posibilidad na marami pa kayong maidaragdag sa listahang ito. Nakalatag ang hamon sa Sangguniang Bayan upang bumuo ng mga batas tungkol sa pag-uugnay ng sining at kultura ng Angono sa pangkabuhayan ng mga mamamayan.

16. May mungkahi na ang hahawak ng Angono Arts Festival ay ang
Office of Tourism sa tulong ng mga paaralang tulad ng Angono Private High School, University of Rizal System, Colegio De San Clemente, New Hope In Faith School, Raises Academy, Holy Deliverance, Christian Integrated School, San Martin Montessori at iba pa. Nakapaloob sa proposal ang mga detalye tungkol sa Angono Arts Festival tulad ng paglikha ng oportunidad na dumagsa ang turista at bilhin ang ating mga paninda. Tungo ito sa layuning ang Angono ay maging SENTRO NG TURISMO.

Narito ang mungkahing pangunahing hakbang bilang preparasyon sa festival:
a. Pagbuo ng conceptual framework na nakasentro sa arts and culture ng Angono at nakabuhol sa ikauunlad ng kabuhayan ng mga taga-Angono

b. Batay sa conceptual framework na ito, mahalagang bigyan ng kanya-kanyang tema o konsepto ang mga kasangkot na paaralan, barangay, TODA, institusyon, mga grupo para sa kanilang street dancing.

c. Ang mga kalahok na grupo para sa street dancing ay dapat na naka-costume nang makukulay na may kinalaman sa tema o konsepto na itinakda sa kanila at may kasamang tagalikha ng musika.

d. Mahalagang ilahok ng mga barangay at establisyimento ang mga higante na kasama sa parada na naka-costume sang-ayon sa tema ng arts and culture

e. Magandang isama sa parada ang kapitana, tenyenta at mga konsehala ng Galilea ng Pasko ng Muling Pagkabuhay

f. Patutugtugin sa parada ang mga banda ng musiko at ang drum and lyre ng mga paaralang elementarya

g. Isasama sa parada ang mga parehadora ng mga barangay
at grupo

h. Isama ang mga mamamayan at mga grupong gustong sumama

i. Gumawa ng listahan ng mga kalahok na organisasyon at mga tao. Ayusin ang pagkakasunud-sunod nito sa parada

j. Maghanap ng mga grants at pondo para sa mga gastusin ng
festival

k. Pamahalaan ang programa ng parada at ihanda ang publisidad sa mga streamer, tarpaulin, programa, dyaryo, telebisyon at radyo

l. Itakda kung saang mga kalsada ito dadaan at higit sa lahat, kailan ito gaganapin?

II. Mga Pagkukunan ng Pondo
National Commission For The Culture And Arts (NCCA)
Lokal na Pamahalaang Bayan
Office of the Governor
Office of the Congressman
Mga Senador na tumatangkilik sa arts and culture
Mga taga-Angono na nakakalat sa buong mundo na aabutin sa pamamagitan ng e-mail, websites at linkages
Mga taga-Angonong handang mag-isponsor sa mga ganitong gawain
Mga fund raising
Pagpili ng Miss Angono Arts and Culture gamit ang balota
Pagpili ng little Miss Angono gamit ang balota
Konsiyerto, disco, raffle, caroling, at iba pa

III. Pagkilala sa mga Sumusunod

1. Pagkakaroon ng mga art exhibits, pagtuturo sa mga kabataan ng tungkol sa pagpipinta at pagdaraos ng mga painting contests ng mga organisasyong pansining sa Angono tulad ng Angono Ateliers Association, Angono Junior Ateliers Association, Angono Artists Association, Neo Angono Artists, Angono Upland Artists, Angono Christian Artists atbp. Binabati rin sila sa lahat ng kanilang tagumpay na naabot sa larangan ng sining lalo na sa pagbibigay ng karangalan sa Angono.

2. Ang National Symphonic Band of Angono (Banda 1) sa pamumuno ni Gabrielle Rojas San Pedro, Angono Concert Band (Band 2) sa pamumuno ni Nano Tolentino, Angono Wind Ensemble sa pamumuno ni Jose Rommel Gragera, Angono Youth Band sa pamumuno ni Felimon Balajadia, Saint Clement Symphonic Band, Inc. sa pamumuno ni Josefino “Boy” Tuazon at Mahabang Parang Band sa pamumuno ni Manuel Tuazon sa kanilang pagsisikap na patuloy na pasiglahin ang pagtugtog ng mga banda ng mosiko na labis na kinagigiliwan ng mga taga-Angono.

3. Ang Foundation for the Culture and Arts of Angono, Incorporated sa pangunguna nina Alfredo Villaluz at Prof. Nonoy Diestro para sa kanilang masigasig at matiyagang pagtuturo ng pagtugtog ng mga musical instruments tulad ng violin. Nagdaos na sila ng kanilang ikatlong recital bunga ng tatlong taon nilang pagtuturo. Kapuri-puri rin ang kanilang pagpupursige na maghanap ng pondo para sa pagpapatayo ng Cultural Center of Angono.

4. Ang mga paaralan sa Angono, Rizal na may kanya-kanyang kultural na proyekto tulad ng komedya, sarswela, mga patimpalak at ang diin ng pagtuturo ay nasa sining. May mga paaralang tulad ng Blanco Family Academy at Nemiranda School for the Arts na ang kurikulum ay nakapokus sa pagtuturo ng sining at ang Music Wizard, Angono School of Music na nakatuon sa pagtuturo ng iba’t ibang uri ng musika. Pinahahalagahan din ang mga private tutors na nagtuturo sa mga gustong matutong tumugtog ng mga musical instruments tulad ng piano.

5. Ang Poblacion Itaas sa kanilang napakagandang mural/sculptured walls na minsan ay tinatawag ding street gallery at sa patuloy nilang paglalagay ng mga masisining na endramada sa tabing kalsada tuwing panahon ng piyesta. Gayundin ang patuloy nilang pagpaparangal sa dalawang national artists, Maestro Carlos ”Botong” Francisco at Maestro Lucio D. San Pedro.

6. Ang mga barangay ng bayan sa patuloy na pagbibigay-sigla sa mga parehadora ng piyesta, pagpaparada ng kanilang mga higante at iba pang pagsangkot sa mga tradisyon ng bayan.

7. Ang mga nagtataguyod ng maliliit na industriya na may kinalaman sa sining tulad ng pananahi, paggawa ng tsinelas, paglikha ng mga fiber glass arts, pagbuo ng mga gamit mula sa kawayan, bulaklakan at pagtitinda ng mga katutubong putahe, kakanin at fried itik.

8. Ang mga namamanata sa paggawa ng pagoda at endramada sa piyesta ni San Clemente.

9. Ang mga namamanata sa prusisyon ni San Isidro at San Roque at iba pang mga santo.

10. Ang mga nangunguna at lumalahok sa mga festival na tulad ng higantes festival, carabao festival, saranggola festival at iba pa.

11. Ang mga namamanata sa paggawa ng onsanahan, puso at Galilea sa panahon ng Mahal na Araw. Ganoon din ang mga namamanata sa mga pabasa ng pasyon, nagsasalita sa siyete palabras at sumasama sa mga prusisyon, hermano ng huling hapunan, mga nag-aalaga ng poon at nagtuturo ng sayaw na “Bati.”

12. Ang Pamayanan ng mga Mamamayang Nakatatanda ng Angono (PAMANA) at ng Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA) sa kanilang patuloy na pagkanta, pagsayaw, pagtula, pagdadrama at pagdaraos ng santacruzan.

13. Ang nakaraang Pamahalaang Bayan ng Angono sa pamumuno ni dating Alkalde Gerardo V. Calderon at ng kanyang Sangguniang Bayan; sa pagkakamit ng mga karangalan sa kalinisan at kagalingan ng bayan; sa kanyang World Arts Experience na lalong nagtampok ng Angono sa buong mundo at sa kanyang moving forward to fulfill the Angono Dream.
Kay dating Mayor Gerardo V. Calderon, Department Secretary General-LMP, President MBC CEO at TV Host sa kanyang tv show na ”Lakbayin ang Magandang Pilipinas” sa NBN Channel 4 tuwing Sabado mula ika-8:00-9:00 ng umaga. Mayor’s Development Center. Keep Moving.

14. Ang Office of Tourism sa pamamahala ni Bernie Balagtas at nina Owen Saguinsin, Peter Natividad, Bart Tolentino, Ian Lomongo at Richard Gappi ng Municipal Information Office sa lahat ng kanilang pagsisikap na lalo pang iangat ang sining at kultura ng Angono.

15. Ang Pamahalaang Bayan ng Angono sa pamumuno ni Mayor Aurora A. Villamayor, ang Sangguniang Bayan, Sangguniang Barangay, Sangguniang Kabataan, TODA, mga pamunuan ng homeowners association ng mga subdibisyon at iba pang komunidad sa kanilang pagsisikap na lalo pang iangat at payabungin ang sining at kultura ng Angono.

16. Ang mga matagumpay at may kaya sa buhay na mga taga-Angono na lihim/hayag na sumusuporta sa mga proyektong pangkultura ng bayan.

17. Ang mga taga-ibang bayan na sa pagtira nila sa Angono ay piniling yakapin ang bayan at ang sining at kultura nito.

18. Sa mga mamamayan ng Angono, maging ang mga nasa ibang bansa na labis na nagmamahal sa sariling bayan. Maraming Salamat. God Bless Angono and God Bless Us All.

19. Sa mga grupong kaakibat ng LIKAS NA GALING AT YAMAN NG ANGONO:

a. Alyansa ng mga Manggagawang Pangkultura sa Kamaynilaan at Karatig Pook, Incorporated, Dr. Glecy Atienza, head.
b. Daughters and Sons of St. Francis, Parañaque, Mother Encarnacion Granado, Mother Foundress/Superior.
c. A.C.T.I.O.N. (Activating Communities Towards Intercultural Orchestration Network)(multi-media) Taguig / Marian Manalo, head.
d. University of the Philippines, College of Arts and Letters Foundation, National Artist Dean Virgilio S. Almario, head.
e. Pambansang Samahan sa Wika, Dr. Jimmuel Naval, head.
f. Pagdungawan Theater Group (theater and indigenous people) Mati, Davao Oriental, Professor Helen Colmenares, head.
g. Phil. Association of Speech and Theater Arts Professionals (PASTAP) (Education), Bicol University, Legazpi City, Albay, Dr. Ramona Raneses, head.
h. Ibabao Arts Council, (culture, arts and creative industries) Calbayog, Samar, Fray Paolo Diosdado Casurao, head.
i. Sining Kambayoka (theater and folk arts) Marawi City, Lanao del Sur, Sunnie Noel, head.
j. Sining Kabpapagariya (music and theater) General Santos City, Romeo Narvaez, head.
k. Teatro Isabela (ethnic and indigenous people) Echague, Isabela, Dr. Ellen Toquero, head.
l. Alab Artistika, Inc. (multi-media group), Makati/ Christopher John CJ Andaluz, head.
m. Sa mga kasanggang tulad nina Direktor Frank Rivera ng NCCA Kalahi at Dr. Arthur Casanova ng Brent International.

Nag-uulat:
Pangalan at Lagda: LIGAYA TIAMSON RUBIN
Tirahan: 3rd Street San Martin Subdivision
Angono, Rizal
Tel. No: 6510044 (Angono)
Fax No: 9244899
E-mail: lgtrubin@yahoo.com
Blogsite: ligayatiamsonrubin.blogspot.com
Mobile Phone No: 09178123231
LIKAS NA GALING AT YAMAN NG ANGONO

Katuwang sa Paghaharap ng Ulat sa Sangguniang Bayan
Hunyo 2, 2008
Pangalan at Lagda: LILIBETH R. OBLENA
Tirahan Palomo Subdivision Angono, Rizal
E-mail: lilibethroblena@gmail.com / loblena@mc.edu.ph
Mobile Phone No: 09186230940

KINUHA SA BAYAN, IBALIK SA BAYAN
AT SAKA IANGAT SA POONG MAYKAPAL
I

ANGONO: WORLD CLASS ARTS CAPITAL


LIGAYA G. TIAMSON RUBIN


(Isang proposal na iniharap at pinagtibay ng Sangguniang Bayan
ng Angono, Rizal sa kanilang regular na pulong noong ika-2 ng Abril, 2008)



1. VISION, MISSION AND GOALS PARA SA SINING
AT KULTURA NG ANGONO


1.1 Vision: “Angono: World Class Arts Capital”

1.2 Mission: Sining at Kultura ang pangunahing produkto ng Angono kaya mahalagang iangkla ito sa kaunlarang pangkabuhayan. Nararapat itong kalingain, palagiang paunlarin at itanghal upang ito’y kilalanin ng mundo tungo sa pagiging SENTRO NG TURISMO.

1.3 Goals:

1.3.1 Pahalagahan at pasiglahin ang mga sining at kultura
ng Angono bilang pamana ng mga ninuno;

a. pintura (mula kina Tandang Juancho, Tandang Pedro at Botong
hanggang sa Neo Angono Artists),
b.eskultura (mula sa petroglyphs, T. Juancho at T. Pedro hanggang
sa bas-relief sculpture sa mga pader ng kalsada),
c. literatura (dicho, alamat, tula, artikulo, kuwentong pambayan,
mga script ng sarswela, komedya, balagtasan at senakulo),
d. musika (sayaw, awitin at mga tugtugin),
e. teatro (mga pagtatanghal sa entablado),
f. karunungang bayan (katutubong kaalaman sa panggagamot,
gayuma at anting-anting, pagkilala sa mga palatandaan ng klima at panahon, pagluluto ng mga katutubong pagkaing Angono)
g. katutubong sining (paggawa ng higante, arko, endramada,
puso at mga papel na ibon sa Galilea, pagoda, bangka, mga kasangkapang yari sa kawayan)

1.3.2 Sikapin na magkaroon ng ganap na cultural integration o kultural na pakikisanib ang Mahabang Parang sa Angono.

a. Mahalagang magkaroon din sila ng mga sariling mag-anak na higante na puwede nilang isama sa prusisyon.

b. Dapat bumuo ng Banda ng Mosiko ng Mahabang Parang na tutugtog sa mga pangkulturang okasyon.

c. Siyam na barangay ang may grupo ng mga parehadora na sumasama sa prusisyon ng piyesta. Dapat bumuo ang Mahabang Parang ng sariling pangkat nito ng mga parehadora.

d. Dapat na may iba pang simbolo ng sining at kultura ang Mahabang Parang tulad ng endramada, matandang bangka at arko. Mahalaga rin na magkaroon ng sariling estrelyang tatak-Angono ang simbahan ng Mahabang Parang sa panahon ng kapaskuhan.

e. Iminumungkahi rin ang pagdaraos ng mga on-the-spot painting contests at literary musical contests sa mga barangay at mga paaralan.

f. Iminumungkahi rin ang pagbibigay ng mga lecture at seminar ng mga awtoridad tungkol sa kasaysayan, sining at kultura ng Angono, Rizal. Ito’y upang magkaroon ng ganap na pagkaunawa ang mga taga-Mahabang Parang sa sining at kultura ng bayan. Isang paraan ito tungo sa pagkakaroon ng cultural integration o kultural nilang pakikisanib sa Angono. Maaari itong ganapin sa pamamatnubay ng Sangguniang Barangay ng Mahabang Parang at ng Carlos ”Botong” Francisco Memorial High School.


1.3.3 Itampok at iugnay ang mga ito sa panahon ng globalisasyon na ang sining ay may kahalo nang teknolohiya tulad ng fiber glass art, computer graphics at computer-enhanced musical compositions;


1.3.4 Lalo pang pasiglahin ang mga tradisyong pangkultura
ng bayan tulad ng:

a.) pagdiriwang ng Bagong Taon
b.) Mahal na Araw
c.) Santacruzan at Flores de Mayo
d.) Pista ni San Isidro tampok ang mga higanteng kalabaw
e.) Pista ni San Clemente at ng mga higante
f.) iba pang kapistahan ng mga santo tulad nina San Roque at Santo Niño
g.) Todos Los Santos
h.) Pasko at Tatlong Hari

1.3.5 Buhayin ang mga limot na pangkulturang tradisyon
tulad ng komedya, sarswela, senakulo, balagtasan, serenata, rondalya, drum and lyre at iba pa;

a.) Ang komedya ay maaaring buuin at itanghal ng
Gingergrace Academe dahil nagawa na ito noong araw ng kanilang direktor na si Ningning Miranda.

b.) Ang sarswela naman ay posibleng gawing production
number ng mga paaralang tulad ng Angono National High School at Regional Pilot School For The Arts.

c.) Ang senakulo ay maaaring muling itanghal ng mga organisasyong magdaraos muna ng mga theater production workshop.

d.) Ang balagtasan ay maaaring muling buhayin ng mga paaralang tulad ng University of Rizal Schools System at ng Angono Private High School.

e.) Ang serenata ay maaaring itaguyod ng mga barangay at ng Sangguniang Bayan.

f.) Maaaring magkaroon ng timpalak ng pagtugtog ng rondalya at drum and lyre sa pamamahala ng mga paaralang elementarya.

1.3.6 Mahalagang makatawag ng pambansang atensyon ang
pagdiriwang ng Angono sa kaarawan at kamatayan ng dalawang pambansang alagad ng sining Maestro Lucio D. San Pedro at Maestro Carlos “Botong” Francisco;

1.3.7 Ang Poblacion Itaas ay may napakagandang mural/sculptured
walls na minsan ay tinatawag ding street gallery. Patuloy din silang naglalagay ng mga masisining na endramada sa tabing kalsada tuwing panahon ng piyesta. May nakalatag na mungkahi na panundan sila ng ibang mga kalsada at barangay sa paglalagay ng mga masisining na dekorasyon;

1.3.8 Bigyan ng tamang suporta ang mga future national artists
mula sa Angono, Rizal;

1.3.9 Sikaping lalo pang yumabong ang mga pananaliksik at
dokumentasyon tungkol sa sining at kultura ng Angono;

1.3.10 Ituloy at payabungin ang pagdaraos ng mga visual arts
workshop para sa mga kabataan. Ganoon din ang mga workshop sa drama at malikhaing pagsulat;

1.3.10 Lalong pasiglahin ang pagtuturo sa pagkanta, pagtugtog ng piyano, byulin, organ, gitara at iba pang instrumento. Nangunguna sa gawaing ito ang Foundation For The Culture and Arts of Angono, Music Wizard, Angono School of Music;

1.3.11 Ayusin ang kurikulum ng mga paaralan upang higit na bigyan ng pokus ang sining at kultura ng Angono;

1.3.12 Sa pagtuturo ng arts education, mahalagang isama ang tungkol sa mga artists ng Angono at ang mga maestro ng mundo upang maging gabay sa mga kabataan;

1.3.13 Maghanap ng mga paaralan sa buong mundo upang magkaroon ng exchange programs sa arts and culture ang ating mga estudyante at artists. Partikular dito ang mga taga-Regional Pilot School for the Arts at iba pang akademya na ang focus ay nasa sining tulad ng Blanco Family Academy at Nemiranda School for the Arts;

a.Vienna International School sa Austria
b. Glenunga International High School ng Australia
c. La Citadelle International Academy of Arts & Science in Canada
d. British School of Paris in France
e. Munich International School (MIS) sa Germany
f. International Montessori School sa Hong Kong
g. Osaka International Academy sa Japan
h. Overseas Family School (OFS) sa Singapore
i. United World College of South East Asia (UWCSEA) sa
Singapore
j. Cambridge International School sa United Kingdom
k. St Clare's, Oxford sa United Kingdom
l. College of Staten Island High School for International Studies sa
America
m. International School of Indiana sa America

1.3.14 Maghanap ng mga pondo upang ang mga piling artists ng Angono ay magka-oportunidad na makarating sa mga bansang may magagandang museo at galleries para sa enrichment at pag-unlad ng kanilang sining;

1.3.15 Maghanap ng mga pondo para sa paglahok ng ating mga artists at estudyante sa mga patimpalak sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at ng mundo;

1.3.16 Magtaguyod ng mga patimpalak sa mga pangkulturang tradisyon upang malinang ang kakayahan ng mga mamamayan lalo na ang mga kabataan. Magtaguyod ng timpalak sa mga paaralan, barangay, samahang bayan (hal. TODA), mga organisasyon at iba pa.

a.) pampanitikan (pabigkas at pasalita)
a.1) pagsulat ng tula, kuwento at sanaysay
a.2) pagbigkas ng tula, pagkukuwento at talumpati
a.3) sabayang bigkas at debate

b.) pangmusika
b.1) pagkanta ng solo at duet;
b.2) kompetisyon ng mga choral groups;
b.3) battle of the rock bands
b.4) cheer dance competition
b.5) pagtugtog ng mga instrumento tulad ng gitara,
violin, atbp.
b.6) pagsulat ng mga komposisyon

c.) visual arts
c.1) paggawa ng diorama at iba pang uri ng sining gamit
ang mga katutubong materyales
c.2) on-the-spot sculptural art at collage
c.3) on-the-spot painting contests

d.) sayaw
d.1) katutubo
d.2) modern
d.3) sariling likha

e.) pampanitikan at visual arts
e.1) pagkukuwento gamit ang diorama
e.2) slogan na may graphics
e.3) tula at awit bilang pagpapakita ng pagpapahalaga sa
isang likhang-sining
e.4) timpalak sa pagandahan at pasiningan ng mga tricycle

f.) pagpili ng sampung pinakamahuhusay na magtatraysikel

2. APAT NA HAKBANG SA PAGLINANG SA ANGONO TUNGO SA
PAGIGING ”ANGONO: WORLD CLASS ARTS CAPITAL”

2.1 Magtayo ng isang performance hall na magsisilbing Cultural Center of Angono na doon ay tanghalan din ng mga art works ng mga artista ng bayan;

2.2 Magtayo ng Angono Theater para sa pagtatanghal ng iba’t ibang dula o pangkulturang presentasyon tulad ng komedya at sarswela;

2.3 Magkaroon ng isang Angono Arts Tiangue o Angono Arts Market na magtitinda ng mga produkto ng Angono tulad ng mga peynting. Dahil mahal ang mga peynting at hindi affordable sa iba, pag-isipan nating magkaroon ng mga reproduction nito gamit ang teknolohiya. Ganoon din ang maliliit na imahen ng mga santo sa Angono partikular si San Clemente at San Isidro, t-shirts at key chain na may tatak ng Angono, postcards ng mga peynting ng mga pintor, papier mache na kalabaw at itik at maliiit na mga higante, bangka, sagwan, ibon ng Galilea, mga katutubong produkto tulad ng pangamot ng likod. Lilinangin ang negosyo ng paggawa ng mga souvenir items mula sa mga lokal na materyales upang magkaroon ang mga taga-Angono ng dagdag na pagkakakitaan;

2.4 Taunang ganapin ang isang malakihan at makulay na Angono Arts Festival na siyang aakit upang dayuhin tayo ng mga turista. Tinatarget natin ang mga turistang ito na siyang bibili ng ating mga produkto upang kumita ang mga mamamayan at ang Angono ay maging SENTRO NG TURISMO.

3. KATWIRAN KUNG BAKIT DAPAT MAGKAROON
NG ANGONO ARTS FESTIVAL

3.1 Ang Angono ang Isa sa mga Pioneers sa Cultural Festival
Sa kasaysayan ng Pilipinas, ang fluvial parade o prusisyon ni San Clemente sa tanghaling- tapat ang isa sa mga nauna o pioneer sa pagdaraos ng makukulay na tradisyon na ang tanghalan ay kalsada.

3.2 Hindi Tayo Dapat Mahuli sa Pagyabong ng Ibang mga Festivals sa Pilipinas
Kapansin-pansin nitong mga nagdaang panahon na napakarami nang bayan ang nagdaraos ng mga malakihang parada upang itanghal ang kanilang kultura tulad ng Panagbenga Flower Festival ng Baguio City, Pahiyas Festival ng Lucban Quezon, Kadayawan Festival ng Davao City, Sinulog Festival ng Cebu City, Dinagyang Festival ng Iloilo City at Mascarra Festival ng Bacolod City.

Ang Land Bank ay naglabas ng Festivals of Bountiful Harvest sa kanilang kalendaryo para sa 2008. Nakalagay doon:
“Festivals are celebrations to showcase how religion, culture and tradition are woven in the fiber of our existence. More commonly known as fiestas, these are held annually to commemorate the foundation of a town, city and province or to honor its patron saints.
But over the years, festivals have taken on a more dynamic and unique approach as different towns and cities became more creative and innovative in their celebrations. Fiestas have evolved into much-awaited occasions that bring to fore the pride of the local people including their arts, talents, resources and produce.
This year, the Land Bank of the Philippines puts the spotlight on six agri-festivals that promote a homegrown agricultural product – Kasadyaan and Caracoles in Mindanao, Tatusan and Manggahan in Visayas and Dinengdeng and Pinyasan in Luzon. These festivals speak of the pride of the townspeople, their entrepreneurial spirit as well as their gratefulness for the fruit of the land and the endless gifts of the seas.
Regale in these festivals, join in the merriment and prepare to be awed by our people’s bountiful harvests.”

3.3 Nararapat na Kilalanin ang Ugnayan ng Kultura at Kabuhayan. Gumawa ng mga Hakbang Tungo sa Pagsulong ng Turismo sa Ating Bayan
Iminumungkahi na magdaos tayo ng Angono Arts Festival na nakapokus sa mga tradisyong pangkultura na isinasagawa natin sa bayang ito sa buong taon. Pagsama-samahin natin ang mga ito sa isang malakihang pangyayari o big event na higit na tatawag ng atensiyon mula sa media, mga turista at iba pang mga potensiyal na patron sa yaman ng Angono. Dito natin ididisplay ang ating mga artistikong produkto na tatak Angono na sisiguraduhin natin na magugustuhan at bibilhin ng mga turista.
Sa panahon ng pista ni San Clemente,ang mga pagkakagastos ay nagaganap at umiikot lamang sa loob ng bayan. Buhay na buhay ang palengke sa pagtitinda ng mga pagkaing para sa mga bisita, tulad ng baboy, baka, manok, isda, prutas at gulay. Bumibili rin ang mga tao ng mga pandekorasyon para sa kanilang mga bahay at sa mga kalsada.
Kung tutuusin, lumalabas pa nga sa bayan ng Angono ang pera ng mga tao sa dahil sa pag-arkila ng mga barangay ng mga banda ng mosiko na nanggagaling pa sa ibang lugar. Pumupunta pa ng Divisoria ang mga tao para sa mga costume ng mga parehadora at iba pang kasuotan. Hindi masasabing nagpapasok ng pera ang mga bisita dahil kumakain lang sila ng mga handa ng kanilang binibisita at ang mga souvenir na binibili nila ay galing sa mga nagsidayong mga sidera lalo na mula sa mga produktong tinda ng mga taga-Antipolo at Paete. Ang target natin ay kung paano papasok ang pera sa bayan at kikita ang mga taga-Angono.
Ang kailangan natin ay mga turista na bibili ng mga produktong taga-Angono ang may tinda.Turismo ang isa sa mga nagpapaunlad ng kabuhayan ng isang bayan.Magkaugnay na salik ang turismo at ekonomiya. Kilanlin natin at kalingain ang ating pinakamalaking puhunan—ang sining at kultura ng Angono lalo na ang talino ng mga mamamayan nito. Pag-isipan natin kung ano ang mga produktong may kinalaman sa sining at kultura at paano nating tatarargetin na ang Angono ay maging sentro ng turismo.


3.4 Pagsikapang Maging Sentro ng Turismo ang Angono
Sa Paete, Laguna napakarami nilang tindahan ng mga ukit at papier mache na binibili ng mga dumarating doon lalo na sa fiesta nila.. Sa Cainta, Rizal, nabebenta ang kanilang mga kakanin. Sa Taytay, Rizal, nabibili ang kanilang mga ready to wear na mga paninda. Sa Marikina City at sa Liliw, Laguna dikit-dikit ang mga tindahan ng mga footwear.
Sa Angono, ang mga pumupunta sa ating mga galleries at museums ay halos nanonood lamang ng mga naka-display na peynting dahil malaking halaga ang kailangan at kakaunti ang may kakayahang bumili ng mga ito. Ano ba ang pwede nilang bilhin sa atin na may kinalaman sa sining at kultura natin. Kailangang mag-isip tayo ng iba pang mga artistikong produkto na posibleng tangkilikin ng mga turista.


4. MGA PETSANG PANUNUNDAN SA PAGHAHANDA AT
PAGDARAOS NG ANGONO ARTS FESTIVAL:

Mahalagang gawin ang aktuwal na preparasyon sa mga paaralan sa panahong
nagsisimula na ang pasok ng mga estudyante upang higit na matiyak ang partisipasyon ng lahat.

Abril-Mayo 2008
a. Pagbuo ng mga plano para sa Angono Arts Festival;
b. Itatakda ang mga temang kaugnay ng kasaysayan, sining at kultura ng Angono na sasayawin o ida-drama sa kalsada ng mga grupong kasali sa parada;
c. Itatakda ang buwan kung saan sa loob ng panahong iyon, doon magkakaroon ng mga patimpalak sa mga paaralan, barangay at TODA;

Hunyo 2008-Marso 2009
a. Sa huling linggo ng buwang itinakda na tatawaging Linggo ng Sining at Kultura sa Angono, doon magkakaroon ng final round sa lahat ng pakontest upang mapili ang mga champion. Dito rin magandang imagdaos ng mga serenata, komedya at sarswela.
b. Sa araw ng Linggo ng buwan ding iyon, gaganapin ang Angono Arts Festival.



5. AKTUWAL NA LOKASYON NA KAGAGANAPAN NG ANGONO ARTS
FESTIVAL


Sa mga kalsada ng Angono, Rizal



6. MGA GAWAIN AT INAASAHANG OUTPUT:

6.1 Gawain

6.1.1 Magtatakda ng isang araw ng magarbong parada na tatawaging Angono Arts Festival. Ito ay isang pagtatanghal ng mga tradisyong pangkultura ng bayan sa buong taon.

6.1.2 Paparada ang lahat ng uri ng higante;
a.) mga tradisyunal;
b.) nagpapakita ng mga matatandang hanapbuhay ng mga tao tulad ng higanteng magsasaka, mangingisda, albularyo; o nagtatanghal ng mga establishments ng bayan tulad ng mga restaurant, botika, bangko at iba pa;
c.) naglalarawan ng mga dakilang tao tulad ng mga national artists at mga lingkod-bayan;
d.) naglalarawan ng mga katauhan ng mga mito at alamat tulad ng mga ipinaparada ng bantog na artist na si Nemi Miranda;
e.) mga higanteng simbolo ng bayan tulad ng sirena at nuno sa punso;
f.) at iba pa

6.1.3 Lalahok sa paradang ito ang lahat ng sektor ng lipunan sa Angono mula sa sangguniang bayan hanggang sa mga paaralan at mga organisasyon;

6.1.4 Mangangalap ng pondo para sa pagsasakatuparan ng proyekto;

6.1.5 Maghahanda ng programa para sa promosyon ng proyekto;


6.2 Mga Output

6.2.1 Plano sa pakikiisa ng lahat tungo sa tagumpay ng Angono Arts
Festival;
6.2.2 Sistematiko at maayos na pagpapatakbo ng parada
6.2.3 Listahan ng mga potensiyal na isponsor ng proyekto;
6.2.4 Malawakang publisidad at promosyon ng proyekto;


7. MGA KALAHOK SA PARADA NG ANGONO ARTS FESTIVAL
Sa parada, ang mga grupong kasama ay naka-costume nang makukulay at artistiko. May mga performances sila ayon sa kultural na temang itinakda sa kanila. Magpaparada sila sa estilong street dancing at dance drama.Dadagundong sa parada ang tugtugin ng mga drum and lyre at iba pang instrumentong pangmusika. Higit sa lahat, itatampok natin ang mga komposisyon ng ating mga maestro at kompositor, Lucio D. San Pedro, Fulgencio Gragera, Nonoy V. Diestro, Manuel Bautista, Rommel Gragera lalo na ang mga banda tulad ng Banda Angono Numero Uno, Angono Concert Band, Angono Wind Ensemble at iba pa.

7.1 Iba’t ibang klase ng higante ng mga barangay at ng
mga establishments at iba pa;
7.2 Ang mga parehadora ng lahat ng barangay na may kanya-
kanyang makukulay na costume at hindi lamang papadyak kundi may
mga sayaw din. (Maaari ring magtatag ng grupo ng parehadora ang
mga establishments. Tiyakin lamang na ang kalahok ay mga
kasibulang gulang upang maging higit na malakas ang kanilang
pagpadyak);
7.3 Ang mga grupong kinatawan ng lahat ng paaralan na may
kanya-kanyang makukulay na costume at may kanya-kanyang sayaw
o performances sa saliw ngbanda kanilang drum and lyre o banda;
7.4 Mga grupong kinatawan ng iba’t ibang establishments;
7.5 Mga grupong kinatawan ng iba’t ibang barangay;
7.6 Mga artista sa komedya, sarswela, santakrusan, senakulo na
lalahok suot ang kanilang mga costume;
7.7 Mga champion sa mga ginanap na timpalak;
7.8 Kapitana, tenyenta at mga konsehala ng Galilea;
7.9 Mga miyembro ng OSCA at PAMANA;
7.10 Mga miyembro ng TODA na may sariling mga pagtatanghal sa kalsada;
7.11 Napakamakukulay at masasaya ang reunion ng mga angkan at
mahalagang isama sila sa parada. Halimbawa: angkan ng mantika,
pugo, bukayo atbp.; mga lahi tulad ng Tolentino, Reyes, Gragera,
Sison, Tiamson, Liwanag, Delos Reyes, Miranda, Villaluz at iba pa;
7.12 Napakamakukulay din at masasaya ang mga reunion ng mga
magkakaeskuwela sa Angono Elementary School, Angono Private High School at iba pang eskuwelahan. Isama ang mga school batch na ito sa parada;
7.13 Mga mamamayan, mga grupo at mga organisasyong
pambayan na interesadong lumahok;
7.14 Punong Bayan, mga opisyal ng sangguniang bayan, pamunuan ng
mga Homeowners Association ng mga Subdibisyon at iba pang
komunidad ng Angono, sangguniang barangay at sangguniang
kabataan;

8. Mungkahing Listahan ng mga Institusyon
na Mahalagang Isangkot sa Proyekto


8.1 Sangguniang Bayan ng Angono
8.2 Sangguniang Barangay ng Angono
8.3 Pamunuan ng mga Homeowners Association ng mga
subdibisyon at iba pang komunidad ng Angono
8.4 Sangguniang Kabataan ng Angono
8.5 Municipal Tourism, Culture and the Arts Office
8.6 Foundation For The Culture and Arts of Angono, Incorporated
8.7 Mga art groups tulad ng Angono Ateliers Association,
Angono Junior Ateliers Association, Angono Artists
Association, Neo Angono Artists, Angono Upland Artists,
Angono Christian Artists atbp.
8.8 OSCA (Office of the Senior Citizens Affairs)
8.9 PAMANA (Pagkakapatiran ng mga Mamamayang
Nakatatanda sa Angono)
8.10 TODA (Tricycle Operator and Drivers Association)
8.11 Lahat ng mga Paaralan sa Angono
8.12 Lahat ng mga establishments sa Angono (bangko, botika,
hardware, ospital, resort, kainan, tindahan, atbp) at establishments sa labas tulad ng Globe, Smart, San Miguel at iba pa.


9. PUBLISIDAD:

Para sa kaalaman ng lahat, lalo na ng mga turistang tinatarget na dumating upang saksihan ang Angono Arts Festival, iminumungkahi na magkaroon ng publisidad sa Philippine Daily Inquirer, Philippine Star, Manila Bulletin, sa radyo lalo na kay Clemente Bautista. Sa telebisyon, maaaring kontakin si Sandra Aguinaldo ng GMA 7 at ang Channel 2 tungkol sa bagay na ito.
Sa bawat barangay mahalagang maglagay ng mga tarpaulin na nagbabalita tungkol sa Angono Arts Festival at mga detalye ng impormasyon. Maaaring maglagay ng poster sa mga Malls.
Mahalagang magkaroon ng brochure na magsasaad ng sinopsis o buod ng sining at kultura sa Angono, shedule ng mga events tulad ng mga paligsahan at iba pa. Higit na maganda kung magkakaroon ng website at mga linkages. Dito maghahanap ang mga turista at mga balikbayan ng impormasyon tungkol sa pwede nilang lahukan at masaksihan at makikita nila ang tungkol sa Angono Arts Festival.


10. MGA TARGET NA MAKIKINABANG SA PROYEKTONG ITO:
Pinag-uugnay ng proyektong ito ang pagsusulong ng kultura, sining at tradisyon at pagpapaunlad ng kabuhayan ng bayan at ng taumbayan sa pamamagitan ng mga turistang darating sa pagtatanghal ng Angono Arts Festival.

10.1 Ang bayan ng Angono at mga darayong turista na
magpapahalaga sa yamang pangkultura ng Arts Capital of the Philippines tungo sa pagiging Angono: World Class Arts Capital;
10.2Ang mga artista ng bayan: pintor, eskultor, musiko atbp;
10.3Ang mga galleries, museo, petroglyphs at iba pang lugar
na pang-turista
10.4Ang mga kainan sa Angono tulad ng Balaw-Balaw,
Scrapyard Restaurant, Nemiranda Restaurant, mga
fastfood, pizza house, Jollibee, Greenwich at iba pa;
10.5Ang mga magtitinda ng mga pagkain tulad ng Angono
litson, fried itik, puto bumbong, kakanin, prutas, mga
refreshments at iba pang street foods para sa mga
turistang tinatarget na paratingin;
10.6Ang mga magtitinda ng mga souvenir items;
10.7Ang mga gumagawa ng higante na ilalahok sa festival;
10.8Ang magtitinda ng mga materyales ng costume at mga
dekorasyong gagamitin;
10.9Ang mga gagawa ng endramada at arko;
10.10 Transportasyon ng mga gustong dalhin ang mga bisita
mula sa isang lugar tulad ng Ortigas, Junction, Cubao o sa
mga malls tungo sa Angono;
10.11 Kalaunan, ang mga makakaisip na magsaayos ng mga
package tours lalo na mula sa mga paaralan. Dadalhin ang mga turista sa maghapong pag-iikot sa Angono sa mga galleries, museum, petroglyphs at iba pang mga lugar.


11. POTENSIYAL NA PANGGAGALINGAN NG TULONG PINANSIYAL
PARA MAISAKATUPARAN ANG ANGONO ARTS FESTIVAL

11.1Pamahalaang lokal;
11.2Pamahalaang panlalawigan ng Rizal;
11.3Opisina ng kinatawan ng unang distrito ng Rizal;
11.4Mga senador na alam nating tumutulong sa mga
proyektong pangkultura tulad nina Senador Edgardo
Angara at Senador Kiko Pangilinan;
11.5Mga institusyong tumutulong sa mga proyektong
pangkultura tulad ng National Commission For The Culture
And Arts na nahihingian ng mga grants para sa mga proyekto;
11.6Mga maykaya sa buhay na magiging mga sponsor at mga
establishments na magiging patron na tumatangkilik sa mga proyektong tungkol sa sining at kultura;
11.7Ang mga costume ng mga estudyanteng kalahok ay
nakaugalian nang ginagastahan ng mga magulang at hindi kailangang mahal ang halaga ng mga ito. Ang importante lamang ay makukulay ang mga ito at artistiko kahit yari lamang sa mga materyales na mura o recycled;
11.8Ang mga costume ng mga parehadora ay katulad din kung
fiesta na sila ang gumagasta at yari rin ang mga ito sa makukulay, artistiko at murang materyales;
11.9Ang mga banda ng musikong lalahok ay sagot ng bawat barangay;
11.10 Ang mga drum and lyre ay sagot ng mga paaralan;



12 PAGHILING SA DEPARTMENT OF TOURISM
Napakahalagang hilingin sa Department of Tourism na isali sa kanilang calendar ng Angono Arts Festival para sa publisidad nito.





13 TAGAPAGTAGUYOD NG PROPOSAL

Pangalan at Lagda: LIGAYA TIAMSON RUBIN
Tirahan: 3rd Street San Martin Subdivision, Angono, Rizal
Tel. No: 6510044 (Angono)
Fax No: 9244899
E-mail: lgtrubin@yahoo.com
Blogsite: ligayatiamsonrubin.blogspot.com
Mobile Phone No: 09178123231
LIKAS NA GALING AT YAMAN NG ANGONO


KATUWANG SA PAGHAHARAP NG PROPOSAL SA SANGGUNIANG BAYAN

Pangalan at Lagda: LILIBETH R. OBLENA
Tirahan Palomo Subdivision, Angono, Rizal
E-mail: lilibethroblena@gmail.com / loblena@mc.edu.ph
Mobile Phone No: 09186230940



KUNG HINDI NATIN ITO GAGAWIN, SINO ANG GAGAWA?
KUNG HINDI NGAYON, KAILAN PA?


KINUHA SA BAYAN, IBALIK SA BAYAN
AT SAKA IANGAT SA POONG MAYKAPAL


SALAMAT PO. GOD BLESS ANGONO. GOD BLESS US ALL