Saturday, August 9, 2008

II

UNANG ULAT SA PROPOSAL
ANGONO WORLD CLASS ARTS CAPITAL
(Ang Proposal ay Pinagtibay ng
Sangguniang Bayan noong ika-2 ng Abril, 2008)

LIGAYA G. TIAMSON RUBIN

(Ang ulat na ito ay binasa sa pulong ng Sangguniang Bayan noong ika-2 ng Hunyo, 2008, ika-9 ng umaga sa Session Hall ng SB Office, Pangilinan Building, Angono, Rizal)


I. Mga Paaralan at Grupo na Mangunguna sa Pagsasakatuparan ng mga Proyektong Pangkultura na Inilatag sa Proposal

1. Ang literary contest sa lebel ng mataas na paaralan ay pinangungunahan ng Angono National High School sa ilalim ng pamamatnugot ng prinsipal nito na si Ms. Cynthia Miranda-Cruz. Noong ika-27 ng Mayo ay inaprubahan ng National Commission For The Culture And Arts (NCCA) ang halagang P114, 000.00 para sa proyektong ito. Pararaanin ng NCCA ang pera sa Division Office.

2. Magdaraos ang Angono Private High School sa pamamatnugot ng prinsipal nito na si Ms. Norma Sanchez-Medina ng timpalak sa balagtasan na ang lalahok ay mga estudyanteng mula sa mga high school ng Angono. Ipabibigkas sa mga kalahok ang isang orihinal na piyesa na tungkol sa sining at kultura ng Angono.

3. May mga pagsisikap ang Sangguniang Barangay ng Mahabang Parang sa pangunguna ni Kapitan Rogelio D. Hadap na magkaroon ng ganap na cultural integration o kultural na pakikisanib ang Mahabang Parang sa Angono.
A. Ginagawa na ang mag-anak na higante na pwede nilang ilagay sa kanilang barangay hall at isama sa kanilang pakikipagdiwang sa piyesta ni San Clemente.

B. Naghahanda na ang pangkat ng mga parehadora na binubuo ng apatnapung (40) kababaihan ng Mahabang Parang. Ang mga parehadora ay ang pangkat ng mga kababaihan sa bawat barangay ng Angono na sumasama sa prusisyon ni San Clemente. Sila’y nakasuot ng makukulay na damit, may sagwan sa balikat na may pintang tulad sa watawat ng Pilipinas, nakabakya sila at pumapadyak habang nagmamartsa.

C. Binubuo na ang BANDA ng mosiko ng Mahabang Parang na siyang tutugtog sa mga kultural na okasyon ng lugar.
Sa araw ng piyesta (Nobyembre 23), nagpaplano ang Sangguniang Barangay ng Mahabang Parang na ilahok ang mga parehadora, mag-anak na higante at banda ng mosiko ng Mahabang Parang sa prusisyon ng bayan. Sa kasaysayan ng Angono, ngayon lang magaganap ang ganitong kultural na pakikisanib ng mga mamamayan ng Mahabang Parang sa kultura ng bayan.

D. Iminumungkahi rin ang paglalagay ng endramada at arko sa Mahabang Parang sa panahon ng kapistahan.

E. Maglagay sa prominenteng lugar sa Mahabang Parang ng mga simbolo ng kultura ng Angono tulad ng bangka, pagoda, endramada, arko at higante.

F. Mahalaga rin na magkaroon ng sariling estrelyang tatak-Angono ang simbahan ng Mahabang Parang sa panahon ng kapaskuhan.

G. Iminumungkahi rin ang pagdaraos ng mga on-the-spot
painting contests at literary musical contests sa mga barangay at mga paaralan.

H. Iminumungkahi rin ang pagbibigay ng mga lecture at
seminar ng mga awtoridad tungkol sa kasaysayan, sining at kultura ng Angono, Rizal. Ito’y upang magkaroon ng ganap na pagkaunawa ang mga taga-Mahabang Parang sa sining at kultura ng bayan. Isang paraan ito tungo sa pagkakaroon ng cultural integration o kultural nilang pakikisanib sa Angono. Maaari itong ganapin sa pamamatnubay ng Sangguniang Barangay ng Mahabang Parang at ng Carlos ”Botong” Francisco Memorial High School.

DAGDAG NA ULAT:

I. Ang pagkakaroon ng mag-anak na higante ay sa
suporta ng Alyansa ng mga Manggagawang Pangkultura sa Kamaynilaan at Karatig Pook, Incorporated na ang pangulo ay ang propesora sa UP na si Dr. Glecy Atienza.

J. Ang pagkakaroon ng mga parehadora ay sa suporta ng
A.C.T.I.O.N. (Activating Communities Towards Intercultural Orchestration Network) (multi-media) Taguig na si Marian Manalo ang pangulo, sa pakikipag-ugnayan kay Direktor Frank Rivera ng NCCA Kalahi.

K. Ang pagkakaroon ng banda ng mosiko ng Mahabang
Parang ay sa suporta ni G. Alfredo M. Villaluz, pangulo ng Foundation for Culture and Arts, Inc.

4. May nakalatag na mungkahi sa Tricycle Operators and
Drivers Association (TODA) na ipagpatuloy nila ang kanilang paligsahan sa dama, kasabay ng paligsahan sa pagkanta.

5. Noong ika-28 ng Setyembre, 2007 ay nagkaroon ng seminar/workshop para sa lahat ng mga guro sa Filipino sa Angono, Rizal sa lebel ng high school tungkol sa iba’t ibang paraan ng pagtuturo ng malikhaing pagsulat. Ito’y idinaos sa Angono National High School. Ang ikalawang seminar/workshop ay gaganapin sa Setyembre 26, 2008 sa Angono National High School sa ilalim ng pamamahala ng prinsipal nito na si Gng. Cynthia M. Cruz at ng tagapamanihala ng dibisyon ng Rizal na si Dr. Marites A. Ibañez. Ang tagapagsalita ay si Prof. L. Tiamson Rubin at pinaplanong gawin taun-taon.

6. Ang preparasyon para sa pagtatanghal ng komedya o moro-moro ay sinisimulan na ng Gingergrace Academe para sa school year 2008-2009 sa ilalim ng pamamahala ng direktora nito na si Ms. Iluminada Tolentino-Miranda, ina ng komedya ng Angono. Ito’y kasalukuyang inihahanap ng grant bilang suporta. Matatandaan na si Ms. Miranda ang namahala sa komedya na itinanghal sa Folk Arts Theater noong dekada 70 sa comedia festival na inisponsoran ni unang ginang Imelda Romualdez Marcos.

7. Pagtutulungan ng Regional Pilot School for the Arts na ang prinsipal ay si Ms. Amihan Reyes-Fenis at ng Angono National High School na ang prinsipal ay si Ms. Cynthia M. Cruz ang pagtatanghal ng isang sarswela. Ito’y pinamatagang “Dalagang Bukid” na ang gumanap sa orihinal nito ay ang National Artist na si Atang dela Rama. Ito’y kasalukuyang inihihingi ng grant sa NCCA.

8. Pagdaraos sa Angono ng workshop sa malikhaing pagsulat noong Hunyo 28-30, 2008 sa pamamahala ni Dr. Jimmuel Naval ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa UP Diliman. Ito’y dinaluhan ng labinlimang fellows buhat sa UP, Ateneo, UST at La Salle sa ilalim ng pamamatnugot ng mga propesor at staff ng DFPP CAL ng Unibersidad ng Pilipinas. Ang mga panauhing pandangal ay sina Prof. Jun Cruz Reyes, Dr. Efren R. Abueg. Dr. Bienvenido L. Lumbera (National Artist For Literature) at UP CAL Dean Virgilio S. Almario (National Artist For Literature). Binabalak na ang taunang workshop ay sa Angono gaganapin.

9. May mungkahi para sa pagdaraos ng literary musical contests sa lahat ng mga paaralang publiko at pribado sa lebel ng elementarya sa Angono. Ito’y sa pangunguna ng Angono Elementary School Central na ang prinsipal ay si Mr. Julito Bautista.

10. May plano ang Sangguniang Kabataan ng Angono sa
pangunguna ni Jeri Mae Calderon at ni Ms. Tracy Pascual bilang adviser na magdaos ng creative writing workshop na ang mga fellows ay mula sa iba’t ibang barangay. Ito’y sa pakikipag-ugnayan sa ilang propesor sa Departamento ng Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas. Ang Sangguniang Kabataan ay binubuo nina Jeri Mae Calderon, Alexis N. Crisostomo, Therese Reysan Tan, Janssen Reyes, Billy Jay Teodocio, Dan Christian Villcruel, Jefferson de Guzman, Aldrin Sausa, Mary Rose Llacona, Janine Grace Gutierrez.

11. May nakalatag na mungkahi para sa Sangguniang
Barangay sa pangunguna ni Kapitan Joey Calderon na magdaos ng mga literary musical contests sa bawat barangay tulad ng amateur singing contest, videoke singing contest at dance contest.

12. May nakalatag na mungkahi na lalo pa nating ipunin
at itanghal ang matatandang gamit ng ating
mga ninuno tulad ng mga ginamit sa mga sinaunang
pamumuhay, pamumukot, pangingisda at pagsasaka noong araw.
Halimbawa nito ay ang bangka, sagwan, salakab, salakot,
sombrero, antigong salamin, baul, aparador, gilingang bato,
lusong, sinaunang relo, kampana, lampara, gasera, banga,
tapayan, dulang, araro, paminggalan, banggerahan, pinggan,
mangkok, pitsel, sinaunang makinang panahi, damit, tumba-
tumba, sala set, plantsa at kabayo, atbp.

13. Maglagay sa mga prominenteng lugar ng bayan ng mga
simbolo ng kultura ng Angono tulad ng bangka, pagoda,
endramada, arko at higante.

14. Mayroon nang information technology staff na
aasikaso na paghahanap sa mga taga-Angono na nasa iba’t ibang panig ng mundo sa pamamagitan ng mga e-mail, websites at linkages. Isasangkot sila sa mga pinasisiglang gawaing pangkultura ng bayan. Kailangan sila lalo na sa paghahanap ng pondo sa pagpapatayo ng Cultural Center of Angono. Ang proyektong ito’y pinangungunahan ng Foundation For Culture and Arts of Angono Incorporated. Bahagi rin ng paghahanap ng staff na ito ang mga foundation sa iba’t ibang panig ng mundo na posibleng sumuporta sa proyektong ito.

15. May nakalatag na mungkahi sa pagbuo ng
conceptual framework para sa ikalalago ng mga katutubong industriya sa Angono. Katulad ng nabanggit sa proposal, mahalagang ibuhol ang sining at kultura sa aspektong pangkabuhayan ng mga mamamayan nito upang tayo ay maging SENTRO NG TURISMO.
Halimbawa, nang matapos na idaos ang Panagbenga o Flower Festival sa Baguio, ubos ang kanilang mga tambo, strawberry jam, peanut brittle at iba pang mga souvenir items dahil binili ng mga turista. Sa Pahiyas Festival ng Lucban, Quezon, ubos ang kanilang longganisang Lucban, pansit habhab, broas, kiping at puto seko dahil binili ng mga turista. Pinagkakakitaan ng Cainta ang kanilang mga kakanin, ng Marikina ang kanilang mga sapatos at ng Paete ang kanilang mga ukit. Ano naman ang pagkakakitaan ng mga mamamayan ng Angono mula sa mga turistang ito?
Sa katotohanan, may mga dumarating nang mga turista sa ating bayan upang bisitahin ang ating mga galleries at museums. Sa Unibersidad ng Pilipinas, isang requirement sa mga kumukuha ng Humanities II na bumisita sa artistikong bayan ng Angono. Hindi pagmamalabis, ngunit minsan ang mga turistang ito ay umaabot mula anim hanggang sampung bus. Ang nakalulungkot, dumarating sila at umaalis na walang nabibiling kahit anong souvenir items mula sa Angono.

Mga Mungkahi Tungkol sa mga Maliliit at Malalaking Artistikong Paninda para sa Pag-unlad at Pagsulong ng Pangkabuhayang Aspekto ng Angono

a. Mga reproduksyon ng mga peynting ng mga pintor ng Angono gamit ang modernong teknolohiya
b. Greeting cards para sa iba’t ibang okasyon na ang nakalarawan ay mga peynting ng mga artists ng bayan
c. Mga katutubong produkto tulad ng pangkamot ng likod, basket, bilao, sandok, sangkalan at mga kasangkapang yari sa kawayan tulad ng kama, papag, upuan, cabinet at mga sisidlan
d. Mga produkto na miniature o pinaliit tulad ng imahen ni San Clemente at San Isidro, higante, sagwan, banka, puso sa Galilea, key chain na Angono
e. Bolpen, lapis at iba pang souvenir items na may tatak ng Angono
f. Souvenir magazine o libro na tungkol sa Angono
g. Mga nightie, punda, bedsheet na ismakin at bulyon na dati na nating cottage industry na for export sa abroad
h. T-shirt na may tatak Angono at t-shirt na yari sa Angono
i. Mga trinkets, kwintas, hikaw, bracelet na yari sa katutubong materyales na ginagawa ng mga kababaihan
j. Tsinelas na yaring Angono tulad ng kotsong may manic at alpombra
k. Maskara, parol ng Angono, salakot, sumbrero, bag, sinturon, painting brush
l. Mga pagkaing nakabotelya tulad ng balaw-balaw, atchara at buro na sa kasalukuyan ay mabibili sa Balaw-balaw
m. Kakanin tulad ng puto, mahablanca, puto bumbong, bibingka, biko, puto kwale
n. Fried itik, pritong lamang-loob at kaldereta
o. Mga street food na tulad ng itinitinda sa Wawa
p. Iba pang itinitinda sa tiangge na taga-Angono lang ang pupwesto
q. Malaki ang posibilidad na marami pa kayong maidaragdag sa listahang ito. Nakalatag ang hamon sa Sangguniang Bayan upang bumuo ng mga batas tungkol sa pag-uugnay ng sining at kultura ng Angono sa pangkabuhayan ng mga mamamayan.

16. May mungkahi na ang hahawak ng Angono Arts Festival ay ang
Office of Tourism sa tulong ng mga paaralang tulad ng Angono Private High School, University of Rizal System, Colegio De San Clemente, New Hope In Faith School, Raises Academy, Holy Deliverance, Christian Integrated School, San Martin Montessori at iba pa. Nakapaloob sa proposal ang mga detalye tungkol sa Angono Arts Festival tulad ng paglikha ng oportunidad na dumagsa ang turista at bilhin ang ating mga paninda. Tungo ito sa layuning ang Angono ay maging SENTRO NG TURISMO.

Narito ang mungkahing pangunahing hakbang bilang preparasyon sa festival:
a. Pagbuo ng conceptual framework na nakasentro sa arts and culture ng Angono at nakabuhol sa ikauunlad ng kabuhayan ng mga taga-Angono

b. Batay sa conceptual framework na ito, mahalagang bigyan ng kanya-kanyang tema o konsepto ang mga kasangkot na paaralan, barangay, TODA, institusyon, mga grupo para sa kanilang street dancing.

c. Ang mga kalahok na grupo para sa street dancing ay dapat na naka-costume nang makukulay na may kinalaman sa tema o konsepto na itinakda sa kanila at may kasamang tagalikha ng musika.

d. Mahalagang ilahok ng mga barangay at establisyimento ang mga higante na kasama sa parada na naka-costume sang-ayon sa tema ng arts and culture

e. Magandang isama sa parada ang kapitana, tenyenta at mga konsehala ng Galilea ng Pasko ng Muling Pagkabuhay

f. Patutugtugin sa parada ang mga banda ng musiko at ang drum and lyre ng mga paaralang elementarya

g. Isasama sa parada ang mga parehadora ng mga barangay
at grupo

h. Isama ang mga mamamayan at mga grupong gustong sumama

i. Gumawa ng listahan ng mga kalahok na organisasyon at mga tao. Ayusin ang pagkakasunud-sunod nito sa parada

j. Maghanap ng mga grants at pondo para sa mga gastusin ng
festival

k. Pamahalaan ang programa ng parada at ihanda ang publisidad sa mga streamer, tarpaulin, programa, dyaryo, telebisyon at radyo

l. Itakda kung saang mga kalsada ito dadaan at higit sa lahat, kailan ito gaganapin?

II. Mga Pagkukunan ng Pondo
National Commission For The Culture And Arts (NCCA)
Lokal na Pamahalaang Bayan
Office of the Governor
Office of the Congressman
Mga Senador na tumatangkilik sa arts and culture
Mga taga-Angono na nakakalat sa buong mundo na aabutin sa pamamagitan ng e-mail, websites at linkages
Mga taga-Angonong handang mag-isponsor sa mga ganitong gawain
Mga fund raising
Pagpili ng Miss Angono Arts and Culture gamit ang balota
Pagpili ng little Miss Angono gamit ang balota
Konsiyerto, disco, raffle, caroling, at iba pa

III. Pagkilala sa mga Sumusunod

1. Pagkakaroon ng mga art exhibits, pagtuturo sa mga kabataan ng tungkol sa pagpipinta at pagdaraos ng mga painting contests ng mga organisasyong pansining sa Angono tulad ng Angono Ateliers Association, Angono Junior Ateliers Association, Angono Artists Association, Neo Angono Artists, Angono Upland Artists, Angono Christian Artists atbp. Binabati rin sila sa lahat ng kanilang tagumpay na naabot sa larangan ng sining lalo na sa pagbibigay ng karangalan sa Angono.

2. Ang National Symphonic Band of Angono (Banda 1) sa pamumuno ni Gabrielle Rojas San Pedro, Angono Concert Band (Band 2) sa pamumuno ni Nano Tolentino, Angono Wind Ensemble sa pamumuno ni Jose Rommel Gragera, Angono Youth Band sa pamumuno ni Felimon Balajadia, Saint Clement Symphonic Band, Inc. sa pamumuno ni Josefino “Boy” Tuazon at Mahabang Parang Band sa pamumuno ni Manuel Tuazon sa kanilang pagsisikap na patuloy na pasiglahin ang pagtugtog ng mga banda ng mosiko na labis na kinagigiliwan ng mga taga-Angono.

3. Ang Foundation for the Culture and Arts of Angono, Incorporated sa pangunguna nina Alfredo Villaluz at Prof. Nonoy Diestro para sa kanilang masigasig at matiyagang pagtuturo ng pagtugtog ng mga musical instruments tulad ng violin. Nagdaos na sila ng kanilang ikatlong recital bunga ng tatlong taon nilang pagtuturo. Kapuri-puri rin ang kanilang pagpupursige na maghanap ng pondo para sa pagpapatayo ng Cultural Center of Angono.

4. Ang mga paaralan sa Angono, Rizal na may kanya-kanyang kultural na proyekto tulad ng komedya, sarswela, mga patimpalak at ang diin ng pagtuturo ay nasa sining. May mga paaralang tulad ng Blanco Family Academy at Nemiranda School for the Arts na ang kurikulum ay nakapokus sa pagtuturo ng sining at ang Music Wizard, Angono School of Music na nakatuon sa pagtuturo ng iba’t ibang uri ng musika. Pinahahalagahan din ang mga private tutors na nagtuturo sa mga gustong matutong tumugtog ng mga musical instruments tulad ng piano.

5. Ang Poblacion Itaas sa kanilang napakagandang mural/sculptured walls na minsan ay tinatawag ding street gallery at sa patuloy nilang paglalagay ng mga masisining na endramada sa tabing kalsada tuwing panahon ng piyesta. Gayundin ang patuloy nilang pagpaparangal sa dalawang national artists, Maestro Carlos ”Botong” Francisco at Maestro Lucio D. San Pedro.

6. Ang mga barangay ng bayan sa patuloy na pagbibigay-sigla sa mga parehadora ng piyesta, pagpaparada ng kanilang mga higante at iba pang pagsangkot sa mga tradisyon ng bayan.

7. Ang mga nagtataguyod ng maliliit na industriya na may kinalaman sa sining tulad ng pananahi, paggawa ng tsinelas, paglikha ng mga fiber glass arts, pagbuo ng mga gamit mula sa kawayan, bulaklakan at pagtitinda ng mga katutubong putahe, kakanin at fried itik.

8. Ang mga namamanata sa paggawa ng pagoda at endramada sa piyesta ni San Clemente.

9. Ang mga namamanata sa prusisyon ni San Isidro at San Roque at iba pang mga santo.

10. Ang mga nangunguna at lumalahok sa mga festival na tulad ng higantes festival, carabao festival, saranggola festival at iba pa.

11. Ang mga namamanata sa paggawa ng onsanahan, puso at Galilea sa panahon ng Mahal na Araw. Ganoon din ang mga namamanata sa mga pabasa ng pasyon, nagsasalita sa siyete palabras at sumasama sa mga prusisyon, hermano ng huling hapunan, mga nag-aalaga ng poon at nagtuturo ng sayaw na “Bati.”

12. Ang Pamayanan ng mga Mamamayang Nakatatanda ng Angono (PAMANA) at ng Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA) sa kanilang patuloy na pagkanta, pagsayaw, pagtula, pagdadrama at pagdaraos ng santacruzan.

13. Ang nakaraang Pamahalaang Bayan ng Angono sa pamumuno ni dating Alkalde Gerardo V. Calderon at ng kanyang Sangguniang Bayan; sa pagkakamit ng mga karangalan sa kalinisan at kagalingan ng bayan; sa kanyang World Arts Experience na lalong nagtampok ng Angono sa buong mundo at sa kanyang moving forward to fulfill the Angono Dream.
Kay dating Mayor Gerardo V. Calderon, Department Secretary General-LMP, President MBC CEO at TV Host sa kanyang tv show na ”Lakbayin ang Magandang Pilipinas” sa NBN Channel 4 tuwing Sabado mula ika-8:00-9:00 ng umaga. Mayor’s Development Center. Keep Moving.

14. Ang Office of Tourism sa pamamahala ni Bernie Balagtas at nina Owen Saguinsin, Peter Natividad, Bart Tolentino, Ian Lomongo at Richard Gappi ng Municipal Information Office sa lahat ng kanilang pagsisikap na lalo pang iangat ang sining at kultura ng Angono.

15. Ang Pamahalaang Bayan ng Angono sa pamumuno ni Mayor Aurora A. Villamayor, ang Sangguniang Bayan, Sangguniang Barangay, Sangguniang Kabataan, TODA, mga pamunuan ng homeowners association ng mga subdibisyon at iba pang komunidad sa kanilang pagsisikap na lalo pang iangat at payabungin ang sining at kultura ng Angono.

16. Ang mga matagumpay at may kaya sa buhay na mga taga-Angono na lihim/hayag na sumusuporta sa mga proyektong pangkultura ng bayan.

17. Ang mga taga-ibang bayan na sa pagtira nila sa Angono ay piniling yakapin ang bayan at ang sining at kultura nito.

18. Sa mga mamamayan ng Angono, maging ang mga nasa ibang bansa na labis na nagmamahal sa sariling bayan. Maraming Salamat. God Bless Angono and God Bless Us All.

19. Sa mga grupong kaakibat ng LIKAS NA GALING AT YAMAN NG ANGONO:

a. Alyansa ng mga Manggagawang Pangkultura sa Kamaynilaan at Karatig Pook, Incorporated, Dr. Glecy Atienza, head.
b. Daughters and Sons of St. Francis, Parañaque, Mother Encarnacion Granado, Mother Foundress/Superior.
c. A.C.T.I.O.N. (Activating Communities Towards Intercultural Orchestration Network)(multi-media) Taguig / Marian Manalo, head.
d. University of the Philippines, College of Arts and Letters Foundation, National Artist Dean Virgilio S. Almario, head.
e. Pambansang Samahan sa Wika, Dr. Jimmuel Naval, head.
f. Pagdungawan Theater Group (theater and indigenous people) Mati, Davao Oriental, Professor Helen Colmenares, head.
g. Phil. Association of Speech and Theater Arts Professionals (PASTAP) (Education), Bicol University, Legazpi City, Albay, Dr. Ramona Raneses, head.
h. Ibabao Arts Council, (culture, arts and creative industries) Calbayog, Samar, Fray Paolo Diosdado Casurao, head.
i. Sining Kambayoka (theater and folk arts) Marawi City, Lanao del Sur, Sunnie Noel, head.
j. Sining Kabpapagariya (music and theater) General Santos City, Romeo Narvaez, head.
k. Teatro Isabela (ethnic and indigenous people) Echague, Isabela, Dr. Ellen Toquero, head.
l. Alab Artistika, Inc. (multi-media group), Makati/ Christopher John CJ Andaluz, head.
m. Sa mga kasanggang tulad nina Direktor Frank Rivera ng NCCA Kalahi at Dr. Arthur Casanova ng Brent International.

Nag-uulat:
Pangalan at Lagda: LIGAYA TIAMSON RUBIN
Tirahan: 3rd Street San Martin Subdivision
Angono, Rizal
Tel. No: 6510044 (Angono)
Fax No: 9244899
E-mail: lgtrubin@yahoo.com
Blogsite: ligayatiamsonrubin.blogspot.com
Mobile Phone No: 09178123231
LIKAS NA GALING AT YAMAN NG ANGONO

Katuwang sa Paghaharap ng Ulat sa Sangguniang Bayan
Hunyo 2, 2008
Pangalan at Lagda: LILIBETH R. OBLENA
Tirahan Palomo Subdivision Angono, Rizal
E-mail: lilibethroblena@gmail.com / loblena@mc.edu.ph
Mobile Phone No: 09186230940

KINUHA SA BAYAN, IBALIK SA BAYAN
AT SAKA IANGAT SA POONG MAYKAPAL

No comments: